Gay TV host comedian, dugyutin at halos mamalimos na

ADVERTISING

GAY TV host comedian ang bida natin sa ating blind item for today. Nalokah kami sa kuwento ng isang salon owner dahil nga sa itsura ngayon ng bida natin. Kulang na lang daw, mamalimos ito sa kanyang itsura. Humpak ang mukha, walang make-up, at mukhang madumi ang itsura. At nagulat siya sa said gay TV host, dahil nga ‘yung dating pagiging glamorosa ay nawala na.

Madalas nga raw manghingi sa salon owner ang dating kilalang pangalan sa larangan ng sing-along bar. Nagkaroon naman na siya ng pangalan dahil nga nauso ang mga baklitang komedyante at na-penetrate nila ang telebisyon.

ADVERTISING

Kilala n’yo na ba ang bida natin?

Sana tulungan siya ng kanyang mga naging kaibigan sa kanyang mundong ginagalawan. Sayang siya dahil nga very talented siya.

Clue, ang name niya ay may magandang word bago ang kanyang name… ‘Yun na!

ADVERTISING

By Fernan de Guzman

ADVERTISING