Gay stand comedian, first time na-meet ang dating bold star, inutangan agad ng P60k

ADVERTISING

TSIKA ITO ng isang showbiz friend na minsang kinaray ng isang dating bold star sa isang resort sa Laguna.

By chance ay naroon din pala ang isang gay stand-up comedian. First time nilang nag-meet ng ex-boldie.

Mukhang natunugan ng baklang komedyante na mapera ang hitad, kaya naman may emote itong kesyo problemado sa pera at kailangan niya ng P60,000. As in agad-agad!

Dahil kilalang bukas-palad naman ang ex-boldie ay agad-agad din niyang pinahiram ng pera ang beki, who promised to pay her back in two monthly installments kapalit ng dalawang post-dated cheques na inisyu niya.

Mula ngayon ay ilang araw na lang ay malapit na ang takdang petsa ng unang tsekeng inisyu ng gay comedian, na ang idinadasal ng dating hubadera ay harinawa’y may pondo ang banko ng gay comedian na lang natin sa alyas na Athena Gaya-gaya.

ADVERTISING

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING