Gay movie nina Michael Pangilinan at Edgar Allan Guzman, maipalalabas na rin sa wakas

ADVERTISING

Gay movie nina Michael Pangilinan at Edgar Allan Guzman, maipalalabas na rin sa wakas

Michael Pangilinan & Edgar Allan Guzman
Michael Pangilinan & Edgar Allan Guzman

Pagkatapos ng halos isang taon, maipalalabas na rin finally ang pinakaaabangang gay-themed movie na “Pare, Mahal Mo Raw Ako” written and directed by Joven Tan starring Michael Pangilinan with gay best-friend played by very good actor Edgar Allan Guzman. Showing na sa Wednesday, June 8 ang pelikula sa maraming sinehan nationwide.

“Thank God and maipalalabas na finally sa malalaking telon itong napakasayang pelikula naming ‘Pare, Mahal Mo Raw Ako’. Sa totoo lang, kinakabahan ako actually more than the excitement sa pag-show nito on regular runs. Ganyan ako ‘pag may project, eh.

“I may not show it, pero sa totoo lang, nininerbiyos ako. Kahit sa mga concerts ko, before the show ay parang may nagtatakbuhang mga daga sa dibdib ko. Pero right after, I feel soooo good,” ani Michael Pangilinan who, like his gay-best friend in the movie na si EA, also landed as finalist in the “Your Face Sounds Familiar”.

“I enjoyed working with Michael. Nakai-in love kasi ang role ko – isang gay best-friend na na-in love sa character ni Michael sa movie. Marami tiyak ang makare-relate dahil it happens to the rest of us. Nakatatawa, nakaiiyak, nakakikilig ang pelikula,” sey ni Edgar Allan Guzman.

ADVERTISING

Kasama rin sa movie sina Ms. Ana Capri, Matt Evans, Joross Gamboa, Nikko Seagal Natividad, Miggy Campbell, and Ms. Nora Aunor in a very special role. Ang Viva ang magre-release ng pelikula.

Kasama ni Direk Joven Tan sa pag-produce ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako” sina Jobert Sucaldito, Fred Sibug, Carlos Sario, Jr. and Capt. Ernie Moya.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING