Gay host, blacklisted kay female TV host!

ADVERTISING

ITAGA MAN DAW sa bato, hinding-hindi raw hahayaang mag-guest ng isang returning female TV host ang kanyang dating gay co-host in a now-defunct pogram sa kanyang bagong show. And why?

Palagi man daw wala sa bansa si Female Host to join her foreigner husband, kung saan man ito madestino, hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawang “backstabbing” ng Gay Host when they hosted a morning program many years ago.  To think that she even recommended him to be her co-host.

ADVERTISING

When finally working together, kinuwestiyon pa raw ni GH ang titulo ng kanilang programa named after the FH, so the FH opted to have the title changed to a “knock-sounding” one bilang alay sa mga “ilaw ng tahanan.”

Du’n na raw nagsimula ang lihim palang kinikimkim na “insecurity” ni GH, who started making up stories bilang kasiraan ni FH. Isa roon ay ang pagmamaldita raw ni FH sa kanilang staff, palasigaw raw ito, mahirap pakibagayan, etc. samantalang all these allegations ay gawain pala mismo ni GH.

Sa ngayon, ang tanging pinagkakaabalahan na lang ni GH ay isang form ng media, slipping into the sphere of obscurity.  The last TV program that GH hosted was a game show that dealt with “cards”.

ADVERTISING

And now that FH has returned to the fold after being gone for three years, pruweba ng kanyang maayos na pakikisama sa staff at husay sa pagho-host ay ang pagkakaroon niya ng bagong show with the “fatherly beanstalk climber”.

FH vows never to allow even GH’s shadow to surface in her show. Naku naman, need I give more clues?

(By Ronnie Carrasco III)

ADVERTISING