Gay comedian, alkansiya ang pinambayad sa na-take-out na boylet sa bar

ADVERTISING

A GROUP of good-looking young hoopsters lounging at a bar somewhere in Quezon City was about to leave when a familiar gay TV host-comedian stormed in.

Ang biglang pagsulpot nito prompted the gang na ipain ang pinakapogi sa kanila na sanay na umano sa pamamakla. Pero hindi na kailangan pang magpa-charming ng boylet, ito kasi agad ang napansin ng gay celebrity walk-in.

ADVERTISING

Minutes later, the gay comedian joined the group which warmly welcomed him. “O, order pa kayo!” paanyaya niya sa mga kateybol. Literally, bumaha ng alak at pulutan ang mesa.

Ilang saglit pa, the gay comedian footed the tab, pero hindi ibig sabihing tapos na ang gabi ‘yon. Balak niya kasing i-take home ang natipuhang boylet na—dahil bihasa naman sa pamamakla—sumama naman sa kanya while the rest of the group stayed at the bar para hintayin itong bumalik.

It took less than an hour bago nakabalik ang boylet na sa bungad pa lang ng bar ay halatang isang bakol ang mukha. “O, pare, ‘musta? Successful ba? Magkuwento ka naman,” sunud-sunod na tanong ng mga kasama niya.

ADVERTISING

Pero padabog nitong inilapag ang isang malaking alkansiya na may kabigatan na kanina’y hindi naman nito bitbit nang sumama sa gay comedian.

“Put…ina, pare! Wala palang cash sa bahay ‘yung baklang ‘yon, kaya ‘etong ibinayad niya sa akin!” sabay nguso sa dala-dalang alkansiya na ang laman ay sa bar pa nila pinagtulung-tulungang bilangin.

Cash-less pala ang monosyllabic-named gay TV host-comedian na itago na lang natin sa alyas na Banana Pureza.

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING