Gawad Katapatan (Batch 41)

Gawad Katapatan (Batch 41)

Sina Raffy Tulfo at Niña Taduran kasama ang 41st batch ng Gawad Katapatan. Ang mga nakatayo mula kaliwa pakanan ay sina: Emilio Rosario, Godofredo Pepe, Ruben Gajo, Abdulpatak Sali, Hamlet Makiling, Judilyn Austero, Larry Longanilla, Moreto Pabricante, Pedro Bacala, at Jegie Ruda.
Sina Raffy Tulfo at Niña Taduran kasama ang 41st batch ng Gawad Katapatan. Ang mga nakatayo mula kaliwa pakanan ay sina: Emilio Rosario, Godofredo Pepe, Ruben Gajo, Abdulpatak Sali, Hamlet Makiling, Judilyn Austero, Larry Longanilla, Moreto Pabricante, Pedro Bacala, at Jegie Ruda.

MULING NAGBIGAY ng pagkilala ang programang Wanted Sa Radyo sa mga matatapat nating mga kababayan na walang pag-aalinlangang nagsasauli ng pera at mga mahahalagang bagay na kanilang natagpuan. Kaya noong June 1, 2016, Miyerkules, ay idinaos ang 41st Gawad Katapatan sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center sa Reliance corner Sheridan St., Mandaluyong City.

Ang sampung matatapat nating kababayan ay sina: (1) Moreto F. Pabricante ng Gold Cars Taxi, nagsauli ng sling bag na may lamang P19,026.00, €1,200.00, 100 Dirhams at Sony Xperia cellphone. (2) Larry D. Longanilla ng Ridalh Taxi, nagsauli ng wallet na may lamang P11,000.00, US$22.00, HK$10.00 at 1.00 Malaysian Ringgit. (3) Hamlet C. Makiling ng Hot Wheels Taxi, nagsauli ng wallet na may ¥22,000.00 at P2,130.75. (4) Abdulpatak P. Sali, isang carwash boy, nagsauli ng wallet na naglalaman ng P8,900.00. (5) Ruben G. Gajo ng Ken Taxi, nagsauli ng wallet na may P6,390.00. (6) Pedro G. Bacala ng John Syro Jazz Taxi, nagsauli ng  black backpack na may P6,050, iPhone 5, atbp. (7) Godofredo P. Pepe ng RMC Taxi, nagbalik ng wallet na may lamang P6,300.00. (8) Jegie P. Ruda ng Taksi Berde, nagsauli ng wallet na may lamang P5,500.00. (9) Emilio D. Rosario ng Bilmore Taxi, nagbalik ng wallet na may P5,400.00. (10) Judilyn E. Austero ng JEA Austero Taxi, nagsauli ng paper bag na may lamang P4,100.00 atbp.

Shooting Range
Raffy Tulfo