Gawad Katapatan (Batch 40)

Gawad Katapatan (Batch 40)

Sina Raffy Tulfo at Niña Taduran kasama ang mga awardees ng Gawad Katapatan Batch 40. Ang mga nakatayo mula kaliwa pakanan ay sina: Benny Gabo, Jobert Dioce, Ruel Palgan, Isidoro Yayon Jr., Reynante Bolisig, Danny Tubongbanua, Rogelio Arboleda, Federico Andolana, Eliasar Anque, at Jonald Gundran.

NOONG BIYERNES, April 29, 2016 muling pinarangalan ng programang Wanted Sa Radyo ang mga matatapat nating mga kababayan na nagsauli ng pera at mahahalagang bagay na kanilang natagpuan. Ang Gawad Katapatan Batch 40 ay ginanap sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center, Reliance corner Sheridan Street, Mandaluyong City.

Ang mga matatapat na awardees ay sina: (1) Ruel B. Palgan ng Griffin Taxi, nagsauli ng wallet na naglalaman ng P12,530.00 at $17.00. (2)  Reynante B. Bolisig ng Winelean Transport, nagsauli ng wallet na may lamang P6,070.00 (3) Benny F. Gabo, isang messenger/collector, nagsauli ng wallet na may lamang P5,715.00. (4) Jonald J. Gundran ng City Star Cruise Taxi, nagsauli ng wallet na may P4,600.00. (5) Danny P. Tubongbanua ng Lyngail Taxi, nagsauli ng wallet na may lamang P4,370.00. (6) Rogelio A. Arboleda ng Gaudencio de Guzman Taxi, nagsauli ng shoulder bag na may lamang mga alahas, video camera, digi camera. iPhone 5C, HTC cellphone atbp. (7) Eliasar R. Anque ng Eygie Taxi, nagsauli ng iPhone 6S+. (8) Federico T. Andolana ng Ericka Madresc Taxi, nagsoli ng iPhone 6+. (9) Isidoro R.Yayon Jr. Ng Niza’s Taxi, nagsauli ng bag na may HP laptop, Samsung at LG cellphone. At si (10) Joebert B. Dioce ng NJ Taxi, nagsauli ng Acer Laptop.

Shooting Range
Raffy Tulfo