Gawad Katapatan (Batch ‘38)

Gawad Katapatan (Batch ‘38)

Sina Raffy Tulfo at Niña Taduran kasama ang mga awardees ng Batch 38 ng Gawad Katapatan na sina Rodrigo Alcaraz, Odilon Buendicho, Chito Pagador, Glenn Canchela, Armando Labrador Jr., Rosel Valentin, Virgilio De Jesus, Noel Quiachon at Marciano Ocampo.

NOONG BIYERNES, February 26, 2016, ay pinarangalan muli ng programang Wanted Sa Radyo ang sampung matatapat nating kababayan na nagsoli ng pera at mga mahahalagang gamit na kanilang natagpuan. Ang awarding ceremony ng 38th Gawad Katapatan ay ginanap sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center Reliance corner Sheridan Street, Mandaluyong City.

Ang sampung awardee ay sina: (1) Rodrigo R. Alcaraz ng Edmaricel Taxi, nagsoli ng wallet na may P7,750. Sina (2) Odilon E. Buendicho ng Precious Maridel Taxi, (3) Chito O. Pagador ng Akkin Transport at (4) Glenn B. Canchela ng GPS Taxi, ay mga nagsoli ng Macbook Air. Sina (5) Armando M. Labrador Jr. ng Jake & Reiza Taxi at si (6) Rosel M. Valentin isang Uber driver ay nagsoli ng iPhone 6. (7) Virgilio DC De Jesus ng Masigasig Taxi, nagbalik ng Samsung Galaxy S6. Nagsoli naman ng bag na naglalaman ng laptop sina: (8) Noel D. Quiachon ng Jovit Taxi, (9) Manolo P. Flores ng Griffin Taxi at (10) Marciano S. Ocampo ng CSMJJL Transport.

Shooting Range
Raffy Tulfo