Gawad Katapatan (Batch 36)

ADVERTISING

Gawad Katapatan (Batch 36)

NOONG HUWEBES, November 26, 2015, muling nagbigay-pugay ang programang Wanted Sa Radyo sa mga matatapat na Pilipinong nagsoli ng pera at mga mahahalagang gamit na kanilang natagpuan. Idinaos ang 36th Gawad Katapatan sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center sa Reliance corner Sheridan Sts., Mandaluyong City.

ADVERTISING

Ang matatapat nating mga kababayan na pinarangalan ay sina: (1) Joe S. Mangay-ayam ng CPNIS Taxi, nagsoli ng laptop bag na may lamang ₱12,500.00, €75.00, 210 Francs, passport, at mga dokumento. (2) Antonio S. Gonzales ng City Star Cruise Taxi, nagsoli ng sling bag na may lamang ₱10,000.00, Samsung Galaxy Note 2, at MyPhone cellphone. (3) Donald M. Pecson ng Twasco Taxi, nagsoli ng wallet na may ₱8,079.50. (4) Ruel N. Chavez ng Gulf Stream Taxi, nagsoli ng wallet na may ₱3,460.00. (5) Jesus R. Penaso, Jr. ng Ausie Taxi, nagsoli ng MacBook. (6) Aron T. Minglanilla ng Jnizer Transport, nagsoli ng clutch bag na may lamang Blackberry cellphone at Tag Hueur wristwatch. (7) Ricardo T. Jova ng BBB Teresita Taxi, nagsoli ng iPhone 6 Plus. (8) Crispulo B. Garin, Jr. ng Harvey & Kirby Taxi, nagsoli ng iPhone 6. Sina (9) Recto E. Mudah ng Jobit Taxi at (10) Claudio L. Barnachea ng Pabex Transport ay parehong nagsoli ng Samsung Galaxy S6 Edge.

Shooting Range
Raffy Tulfo

ADVERTISING