Gawad Katapatan (Batch 35)

ADVERTISING

Gawad Katapatan (Batch 35)

NOONG MIYERKULES, October 28, 2015, muling binigyang pugay ng programang Wanted Sa Radyo ang mga matatapat na Pilipinong nagsoli ng pera at mga mahahalagang gamit na kanilang natagpuan. Idinaos ang 35th Gawad Katapatan sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center sa Reliance corner Sheridan St., Mandaluyong City.

ADVERTISING

Ang sampung awardee ay sina: (1) Elmer T. Anian ng Blue Cab Taxi, nagsoli ng Kate Spade na wallet na naglalaman ng P8,000.00, US $884.00, mga ID at ATM cards. (2) Jerome Castillo, isang carwash boy, nagsoli ng coin purse na may lamang P10,106.25. (3) Florencio R. Alcaide ng Zell Taxi, nagsoli ng wallet na may P10,400.00, mga ID at iba pa. (4) Gerardo A. Nebrao ng Prayer Parther Taxi, nagsoli ng pouch na may lamang P10,036.25 at O+ cellphone. (5) Rosbelt R. Bulan ng Basic Taxi, nagsoli ng wallet na may P7,500.00, US $1.00 at IDs. (6) Ryan A. Dawaton, isang tricycle driver, nagsoli ng wallet na may lamang P7,510.15. (7) Elpidio B. Biscocho ng GEJ Taxi, nagsoli ng wallet na may P2,310.00, US $100.00 at mga IDs. (8) Ramon R. Bautista ng Twiline Movers Corp, nagsoli ng wallet na may P6,200.00. (9) Joselito B. Burce ng RLC Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P4,270.00 at mga ID. At (10) Rey P. Yamon ng Lindz Taxi, nagsoli ng wallet na may P4,130.00 at mga ID.

Shooting Range
Raffy Tulfo

ADVERTISING