Gawad Katapatan (Batch 34)

ADVERTISING

Gawad Katapatan (Batch 34)

NOONG MIYERKULES, September 30, 2015 muling nagbigay pugay ang programang Wanted Sa Radyo sa mga matatapat nating mga taxi driver na nagsoli ng pera at mga mahahalagang gamit o bagay na kanilang natagpuan sa pamamagitan ng pagdaos ng 34th Batch ng Gawad Katapatan na ginanap sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center sa Reliance corner Sheridan St. Mandaluyong City.

Ang mga nagsoli ay sina: (1) Nilo V. Duterte ng D Square Taxi, nagsoli ng luggage na may lamang laptop, Bvlgari watch, digicam, atbp. (2) Percival G. Gatus ng Elizabel Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P6,360.00. (3) Rodelio G. Regodos ng Ianlay Taxi, nagsoli ng wallet na may P5.010.00 at mga IDs. (4) Randy C. Castillo ng Carolino’s Pride Taxi, nagsoli ng dalawang luggage na may lamang Samsung netbook, 2,484,200.00 Vietnamese Dong, P362.00, passport, mga dokumento, atbp. (5) Rommel C. Nedera ng Sturdy Taxi, nagsoli ng laptop bag na may Toshiba laptop, charger, phone handset at wallet na may lamang P320.00 at 361.00 Malaysian Ringgit. (6) Prudencio A. Redillas Jr. ng New Culture Taxi, nagsoli ng iPhone 6. Sina (7) William G. Manio isang truck driver at part-time taxi driver ng Jomea Taxi, (8) Roberto J. Amacan ng Jeff Jer Joy Taxi, (9) Leopoldo A. Fernandez Jr. ng RMQ Taxi, at (10) Ronilo T. Bernardino ng Da Vince Taxi ay nagsoli ng iPhone 5s.

Shooting Range
Raffy Tulfo

ADVERTISING