Gawad Katapatan (Batch 31)

ADVERTISING

Gawad Katapatan (Batch 31)

NOONG BIYERNES, June 26, 2015, muling nagbigay-pugay ang programang Wanted Sa Radyo sa mga matatapat nating kababayan na nagsoli ng pera at mga mahahalagang gamit na kanilang natagpuan. Idinaos ang 31st Gawad Katapatan sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center sa Reliance corner Sheridan Sts., Mandaluyong City.

ADVERTISING

Ang matatapat nating mga kababayan na pinarangalan ay sina: (1) Kayrosty M. Esmael ng Nelson & Cristy Taxi, nagsoli ng wallet na may P7,710, 220 Canadian dollars, ATM cards, at mga ID. (2) Carwin D. Magno ng Twasco Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P4,070, 100 Indian Rupees, 250 African Rand, 1 Dinar, 8 Riyals at mga ID. (3) PO3 Jocelyn C. Ebora ng Philippine National Police, nagsoli ng wallet na may lamang P1,320 at driver’s license. (4) Allan L. Paquez Sr. ng Safe Taxi, nagsoli ng iPhone 5c at MyPhone. Sina (5) Eddie M. Lagbo ng EMP Taxi at (6) Marciano S. Bebanco ng 3MG Taxi ay parehong nagsoli ng iPhone 5s. (7) Orlando V. Barquio ng Wasaga Transport, nagsoli ng shoulder bag na may lamang HP laptop at mga dokumento. Sina (8) Rogelio K. Acero ng ABC Taxi at (9) Eduardo S. Alvarez ng AVJ taxi ay nagsoli ng iPhone 5c. At (10) Mansueto D. Carpio ng Hanylen Taxi, nagsoli ng Acer projector.

Shooting Range
Raffy Tulfo

ADVERTISING