Gawad Katapatan (Batch 30)

ADVERTISING

Gawad Katapatan (Batch 30)

NOONG MIYERKULES, May 27, 2015 muling nagbigay-pugay ang programang Wanted Sa Radyo sa mga matatapat nating kababayan na nagsoli ng pera at mga mahahalagang gamit o bagay na kanilang natagpuan sa pamamagitan ng pagdaos ng 30th Batch ng Gawad Katapatan na ginanap sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center sa Reliance corner Sheridan St. Mandaluyong City.

ADVERTISING

Ang mga matatapat na driver na nagsoli ay sina: (1) Joemarie D. Demonteverde ng RMQ Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang ID at P51,100.00. (2) Julius G. Flores, isang family driver, nagsoli ng wallet na may lamang P19,061.00. (3) Doroteo P. Libre Jr. ng Jopet Transport, nagsoli ng blue organizer na may lamang P7,120.00. (4) Fortunato B. Hipolito ng S.I.P. Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P6,400.00. (5) Gavino D. Manalo ng R.L. Cele Transport, nagsoli ng wallet na may lamang P4,634.00, ATM card at IDs. (6) Felix F. Upao ng Denzlei Taxi, nagsoli ng bag na may lamang P4,337.50, headset at iba pang mga gamit. Sina (7) Robbie O. Frankie ng Mommy Jess Taxi; (8) Ronald T. Dela Cruz ng Mariela Joy Taxi; (9) Allan S. Batang ng Jaicamielle Transport; at (10) Cesar V. Blando ng Garroswell Taxi ay nagsoli ng iPhone 5s.

Shooting Range
Raffy Tulfo

ADVERTISING