Gawad Katapatan (Batch 28)

ADVERTISING

Gawad Katapatan (Batch 28)

NOONG BIYERNES, March 27, 2015, muling binigyang-pugay ng programang Wanted Sa Radyo ang mga matatapat na taxi drivers na nagsoli ng pera at mahahalagang bagay na kanilang natagpuan. Idinaos ang awarding ceremony ng 28th Gawad Katapatan sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center sa Reliance corner Sheridan St., Mandaluyong City.

ADVERTISING

Ang sampung matatapat na taxi drivers ay sina: (1) Juraldine B. Quiño ng Rodrie Taxi, nagsoli ng bag na may lamang P4,828.85, pouch na may Gucci watch, mga alahas na nagkakahalaga ng halos kalahating milyong piso at iPhone 4S. (2) Francisco L. Mora ng Ryo Aki Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P6,160.00, checks, IDs, old bills at mga resibo. (3) Rogelio G. Los Baños ng Francis Jimmy Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P5,750.00 at IDs. (4) Pablo A. Dacanay ng Tex Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P5,500.00 at IDs. (5) Beverly A. Amparado ng Ryo Aki Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P5,000.00, ATM at credit cards. (6) Claudio B. Embodo Jr. ng CNC Express nagsoli ng bag na may lamang P5,000.00, damit, Seiko watch, ID at toiletries. (7) Rewell B. Guirre ng Elygen Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P4,366.00, iPhone 6, IDs at bank cards. (8) Elmer D. Andrada ng Flores Joy Taxi, nagsoli ng Sound Mixer. (9) Michael T. Aquino ng Marizrenzranzel Taxi, nagsoli ng bag na may lamang Sony Xperia at iPhone 5 cellphone. (10) Arnaldo P. Arevalo ng JDCK Taxi, na nagsoli ng backpack na may lamang Lenovo laptop, earphones at charger.

Shooting Range
Raffy Tulfo

ADVERTISING