Gawad Katapatan (Batch 27)

ADVERTISING

Gawad Katapatan (Batch 27)

NOONG BIYERNES, February 27, 2015, ay pinarangalan muli ng programang Wanted Sa Radyo ang sampung matatapat nating kababayan na nagsoli ng pera at mga mahahalagang gamit na kanilang natagpuan. Ang awarding ceremony ng 27th Gawad Katapatan ay ginanap sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center, Reliance corner Sheridan Streets, Mandaluyong City.

ADVERTISING

Ang sampung awardee ay sina: (1) Matthieu Joseph B. Carza, isang bagger, nagsoli ng wallet na may lamang P21,600.00 at dalawang ATM cards. (2) Aldrin W. Glema ng Hannah Gayle Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P12,897.85, P500-worth na gift check at mga ID. (3) Robert P. Revilloza ng Rogelyn Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P8,500.00. (4) Joselito P. Visaya ng Dessie Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P6,080.00. (5) Rodolfo Eduardo B. Lozada ng Green Taxi, nagsoli ng luggage na may lamang Macbook Pro at mga damit. (6) Dominador S. Cutamora ng Lydia Iscuela Taxi, nagsoli ng backpack na naglalaman ng HP laptop, Nokia at Samsung cellphones, external hard drive at mahahalagang dokumento. (7) Richard C. Chavez ng Sean Taxi, nagsoli ng laptop bag na may lamang laptop, Asus smartphone, bankbook at hard drive. (8) Gilbert N. Alupit Jr. ng Estrome Taxi, nagsoli ng bag na naglalaman ng wallet na may P6,500.00, digicam, Nokia cellphone, P24,739.98 na tseke, charger at mga gamit. (9) Norberto G. Alejandrino ng RMCC taxi, nagsoli ng Macbook. At (10) Lamberto F. Perez ng RMQ Taxi, nagsoli ng laptop bag na naglalaman ng HP lapttop, Apple iPod, ID, passport at wallet na may lamang P560.00.

Shooting Range
Raffy Tulfo

ADVERTISING