Gawad Katapatan (Batch 26)

ADVERTISING

Gawad Katapatan (Batch 26)

NOONG BIYERNES, January 30, 2015 muling pinarangalan ng programang Wanted Sa Radyo ang mga matatapat nating kababayan na nagsoli ng pera at mga mahahalagang gamit o bagay na kanilang natagpuan sa pamamagitan ng pagdaos ng 26th Gawad Katapatan na ginanap sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center sa Reliance corner Sheridan St. Mandaluyong City.

ADVERTISING

Ang mga matatapat na nagsoli ay sina: (1) Calixto P. Araza ng Maxxi Cabs Taxi, nagsoli ng duffle bag na naglalaman ng P300,000.00, damit at mahahalagang dokumento. (2) Greg A. Pereyras, isang welder, nagsoli ng wallet na may lamang P22,280.00. (3) Rolan S. Dogpon ng Blessed Will Taxi, nagsoli ng bag na may P17,200.00 at mga dokumento. (4) Warlito C. Rala, isang empleyado ng Antipolo City Hall, nagsoli ng bag na naglalaman ng P9,200.00, US $20.00 at O+ cellphone. (5) Marcelo P. Lorejas ng Nemie Omac Taxi, nagsoli ng shoulder bag na may lamang Y29,000.00, P500.00, bank cards at mga ID. (6) Elino N. Bonto ng Kamstar Taxi, nagsoli wallet na may lamang P5,080.00, US$107.00 at mga ID. (7) Alejandro M. Vergara ng Ryo Aki Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P2,500.00, US $115.00, bank cards at ID. (8) El Distor Enoslay, isang company driver, nagsoli ng wallet na may lamang P7,100.00. (9) Abelardo L. Buscar ng J-Kay Taxi, nagsoli ng cloth bag na may lamang P5,820.00. At (10) Baldwin D. Biag ng Chenchen MJ Taxi, nagsoli ng bag na naglalaman ng Sony Vaio laptop, PSP, external hardrive, MP3 player, passport at wallet na may P4,000.00 at 15 Dirhams.

Shooting Range
Raffy Tulfo

ADVERTISING