Gawad Katapatan (Batch 25)

ADVERTISING

Gawad Katapatan (Batch 25)

NOONG BIYERNES, November 28, 2014, muling binigyang-pugay ng programang Wanted Sa Radyo ang mga matatapat na taxi driver na nagsoli ng pera at mga mahahalagang gamit na kanilang napulot. Idinaos ang 25th Gawad Katapatan sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center sa Reliance corner Sheridan St., Mandaluyong City.

ADVERTISING

Ang sampung awardee ay sina: (1) Jerry B. Bacanto ng Icolor Taxi, nagsoli ng wallet na naglalaman ng cash na P14,000.00, US $411.00, cards at IDs. (2) Artemio C. Santillan Jr. ng SYS Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P12,000.00. (3) Armando S. Maquiling ng Ken Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P6,790.00, cards at IDs. (4) Hilario D. Renacia ng Lyngail Taxi, nagsoli ng pouch na may lamang P5,720.00, Nokia Asha 200 at broadband modem. (5) Edelfrido B. Datuin Jr. ng Edopava Taxi, nagsoli ng 10 electric grinder at 10 electric hammer. (6) Fernando I. Francisco ng Red Kangaroo Taxi, nagsoli ng iPhone 5. (7) Tony M. Loraña ng John Mark Taxi, nagsoli ng iPhone 5. (8) Cesar G. Jaradal ng Diculin Taxi, nagsoli ng Apple iTouch. (9) Leonardo Alonsagay ng Teresita Taxi, nagsoli ng Sony Xperia. At (10) Lorenzo A. Coraza ng Rofel Taxi, nagsoli ng iPhone 4.

Shooting Range
Raffy Tulfo

ADVERTISING