Gawad Katapatan (Batch 21)

MULING NAGBIGAY pugay ang programang Wanted Sa Radyo sa mga matatapat nating mga kapatid na driver sa kalsada na nagsosoli ng mga mahahalagang gamit o bagay na kanilang napulot. Ginanap ang 21st Gawad Katapatan noong August 1, 2104 Biyernes, sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center sa Reliance corner Sheridan St., Mandaluyong City.

Ang sampung matatapat na driver ay sina: (1) Rusty T. Santos ng Freedom Taxi, nagsoli ng wallet na may P3,400.00, US$100.00 at IDs. (2) Josue J. Noromor ng Prayer Partner Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P4,000.00. Sina (3) Romel L Makalintal ng Nine Stars Taxi, (4) Dario M. Abiera ng Circle Transport at (5) Jerson E. Agustino ng Winsome Taxi ay nagsoli ng iPhone 4S. (6) Rodrigo R. Tamayo ng King Alprekekin, nagsoli ng Samsung Galaxy S3. (7) Rufino V. Redoloza ng MF Abella Taxi, nagsoli ng bag na may lamang P500.00 at digicam. (8) Rogelio V. Ibañez ng Norlies Angle Taxi, nagsoli ng Blackberry cellphone. (9) John G. Viscarra ng EFE Taxi, nagsoli ng iPhone 3G. At (10) Noel Macatumbas Sr., ng Antz Taxi, nagsoli ng magazine ng .45 caliber at 13 piraso ng bala.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleAgawan sa Aria-Arian ng mga Magulang
Next articleAktres, humingi pa ng extension para sa show na flop sa ratings

No posts to display