Gawad Katapatan (Batch 19)

ADVERTISING

Gawad Katapatan (Batch 19)

NOONG HUWEBES, May 8, 2014, muling nagbigay pugay ang programang Wanted Sa Radyo sa mga matatapat nating kababayan na nagsoli ng mga mahahalagang gamit na kanilang napulot. Idinaos ang 19th Gawad Katapatan sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center sa Reliance corner Sheridan Sts., Mandaluyong City.

Ang sampung matatapat na taxi driver na pinarangalan ay sina: (1) Rodney P. Obniala ng Valonda Taxi, nagsoli ng bag na naglalaman ng halagang P10,000.00. (2) Roy M. Arizabal ng UV Express, nagsoli ng wallet na may P1,510.00, ATM card at mga ID. (3) Mart T. Gaite ng Cabster Taxi, nagsoli ng bag na may lamang 2 iPhone 5 at passport. (4) Rudy A. Rosero ng Anrean Taxi, nagsoli ng bag na naglalaman ng 2 Samsaung Galaxy cellphones. (5) Benny H. Fundal ng Jaaswyn Taxi, nagsoli ng Apple iPad. (6) Oliver R. Bautista ng Safety Board Taxi, nagsoli ng Samsung Galaxy Tab. (7) Charlie C. Morada ng Red Angelo Taxi, nagsoli ng Samsung Premium 3G. (8) Albert T. Taño ng Tonykat Taxi, nagsoli ng bag na may lamang EK Lasse Tablet, Samsung cellphone at P150.00. (9) Joseph P. Mercado ng Taxi Kid, nagsoli ng LG Touchscreen cellphone. At (10) Michael B. Avelino ng PAFC Taxi, nagsoli ng Samsung Galaxy Pocket.

Shooting Range
Raffy Tulfo

ADVERTISING