Gary Valenciano, may malaking puso sa OFWs

ADVERTISING

Gary Valenciano, may malaking puso sa OFWs

Gary-ValencianoTOUCHING AT nakakaiyak ang TV commercial ng Pure Padala ng Puregold. Maraming kababayang Pilipino ang nakare-relate dito at hindi naiiwasang mapaluha ng mga Pinoy na nakapanonood nito. Tumatagos daw kasi talaga sa puso nila ang mensahe ng Pure Padala campaign.

Tamang-tama din ang pagpili ng Puregold kay Gary Valenciano para maging endorser ng Pure Padala dahil meron talaga siyang malaking puso sa mga OFWs. Remember the song Babalik Ka Rin that Gary wrote? Dedicated ‘yon para sa mga OFWs na nami-miss na ang pag-uwi sa Pilipinas.

May themesong din na ginamit ang Puregold para sa bago nilang campaign at ito ay ang kantang Makakarating na si Gary din ang nag-interpret. Base sa kanta, ina-assure ng Puregold na makararating sa Pamilyang Pilipino ang kahit anong ipapadala sa kanila ng mga kapamilyang nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ang maganda pa sa Pure Padala, masisigurado ng nagpadala na hindi mapupunta sa bisyo at ibang walang kakuwenta-kuwentang bagay ang kanilang ipapadala dahil puwedeng ‘yung worth of money that they will send ay i-convert sa groceries na siyempre, sa Puregold nila mare-redeem.

ADVERTISING

Well, first of its kind ito, huh! Magandang paraan para maprotektahan ang pinaghihirapang pera ng ating mga kababayan abroad.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING