Garie Concepcion, nagulat sa pag-amin ni Michael Pangilinan na sila na

ADVERTISING

Garie Concepcion, nagulat sa pag-amin ni Michael Pangilinan na sila na

Michael Pangilinan & Garie Concepcion
Michael Pangilinan & Garie Concepcion

Like a true gentleman, hindi nag-deny si Michael Pangilinan nang tanungin siya ni Kuya Boy Abunda sa show nito na “Tonight with Boy Abunda” sa Kapamilya Network last Monday evening tungkol sa napababalitang relasyon ni singer (at first time actor sa “beki love” movie na “Pare, Mahal Mo Raw Ako”) nila ng anak ni Gabby Concepcion at Grace Ibuña na si Garie Concepcion.

Hayagan o diretsahang ipinahayag ni Khiel na sila na nga ni Garie ang magkarelasyon.

Kaya nga prior to the premiere night ng pelikulang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” last night sa SM Megamall (regular showing na next Wednesday June 8), ang dalawa ay magkasama sa isang resto sa Megamall para sa preparation prior sa grand entrance sa red carpet ng mga artista na kabilang sa pelikula ni Joven Tan.

Hindi naman nag-deny si Garie Concepcion tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Khiel nang makausap namin last night. “It was my mom ang niligawan niya,” natatawang kuwento ng dalaga.

ADVERTISING

Kung maalala pa, matagal nang magkaibigan sina Khiel at Garie. Sa recent concert ng singer sa Music Museum ay special guest pa niya si Garie na ang constant meetings nila during promo and rehearsals ay hindi maiiwasan na ma-develop sila sa isa’t isa.

Isang buwan na ang relasyon ng dalawa. Sa katunayan, laking gulat ng dalaga nang inamin ni Michael Pangilinan kay Kuya Boy ng kanilang relasyon. “Siyempre po, masarap sa pakiramdam na merong isang tao na proud to be with you. Nagulat nga ho ako, hindi niya sinabi sa akin ‘yon (ang pagamin ng singer sa publiko).”

Actually parang isang sorpresa ang ginawa ni Michael kay Garie, ang pag-amin niya ng relasyon nilang dalawa.

Sabi ng dalaga, “Sinabi niya lang sa akin na, ‘manood ka, nakatutuwa ‘yung interview’. Wala akong alam, eh. So sabi ko, sige manonood ako. Tapos nagulat ako, pati mommy ko.”

Pangalawang boyfriend ni Garie si Michael. The last one was when she was still in college and that was almost six years ago. Ang tagal nang walang ka-commitment ang dalaga.

Looking at them ay natural lang silang dalawa. Walang OA (over acting). Wala yata kaming nakita na sobrang ka-sweet-an na nagsi-show-off sila pareho ng kanilang nasimulang pag-iibigan in public. Cool partners, chill lang sila pareho.

Last night at the after premiere night dinner, kung saan saksi kami sa off the limelight closeness nina Michael at Garie, quite lang kami ng parents ni Khiel at ang pinsan at isang kaibigan ni Garie. Walang OA na drama ang dalawa na ‘di tulad ng iba.

Congrats sa dalawa. Basta wala lang awayan na makaaapekto sa careers ninyong dalawa.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING