Gardo Versoza, paborito sa serye ng Siyete

Gardo Versoza, paborito sa serye ng Siyete

Gardo-VersozaFAVORITE NG GMA Network si Gardo Versoza. Madali kasi siya katrabaho. Hindi maarte. Kaya nga kapag patapos na ang isang teleserye ng aktor sa istasyon, asahan n’yo, hindi nababakante ang aktor dahil may kasunod kaagad itong tarabaho.

Sa Lunes, May 4, magsisimula na ang bagong show ni Gardo with Ai-Ai delas Alas na Let The Love Begin, kung saan ang dalawa ay magkakaroon ng romantic alliance (sa point of view ni Ai-Ai) na naging dahilan ng conflict ng dalawa sa bagong romcom na nasa direksyon ni Gina Alajar.

“Mabait sa akin ang GMA. Hindi nila ako nakalilimutan,” pasasalamat pa ng aktor.

Sa serye, Gardo plays the role of DJ Tony na dati ay ka-tandem ni Jeni aka DJ Bebe-Yonce (played by ni Ai) na nang magtampo ito sa kanya, nagkahiwalay sila at ang mga anak naman nila na sina Gabbi Garcia (ni Gard) at ang binata ni Jeni na si Ruru Madrid ay magkakaroon naman ng “something” sa isa’t isa.

Funny ang trailer na mapapanood pagkatapos ng Pari Koy ni Dingdong Dantes. Ang Let the Love Begin ay makababangga ng Forevermore nina Enrique Gil at Liza Soberano.

Reyted K
By RK VillaCorta