Gardo Versoza, ‘di madaling nakawala sa pagpapaseksi

ADVERTISING

Gardo Versoza, ‘di madaling nakawala sa pagpapaseksi

Gardo-VersozaANG MGA paglabas-labas sa telebisyon noon ang unang nagbigay ng lakas ng loob kay Gardo Versoza para unti-unti na niyang iwan ang pagpapaseksi. Dagsa pa rin noon ang alok sa kanya na maghubad nu’ng nagsisimula na siyang gumawa ng desisyon. Nagkasunod-sunod din noon na kinukuha siya sa mga drama, at wholesome iyon, kaya inisip niyang pupuwede na nga siyang magsimulang mag-iba ng linya mula sa dati niyang image na ginawa ng Seiko Films.

ADVERTISING

Ang unang tao na gustong handugan noon ni Gardo para mag-iba ng image ay ang kanyang yumaong ina na si Mommy Baby Torres-Polintan.

“Siya kasi ang nagpursige rin na mag-showbiz ako. Naintindihan niya na magpapaseksi muna ako pansamantala. Kaya nu’ng puwede na, umiwas na akong magpaseksi, at alam kong bago namatay si Mommy ay napasaya ko rin siya, na hindi na ako naghuhubad,” wika ni Gardo nang dalawin namin siya sa taping ng teleseryeng Dading ng GMA-7.

Nakahinga raw nang maluwag ang yumao niyang Mommy nu’ng magsimula nang puro teleserye ang kanyang ginagawa.

ADVERTISING

“Naaawa ako kay Mommy nu’ng nagpapaseksi pa ako, dahil kapag nagpo-promote ako ng mga seksi kong pelikula, ay gusto niyang sumama sa akin sa studio. Very supportive siya sa career ko. Sinabihan ko, ‘Mommy, tsaka ka na lang sumama mag-promote, kapag hindi na seksi ang pelikula ko.’ At nangyari din naman iyon,” banggit pa ni Gardo.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING