Gardo Versoza, Daniel Fernando, at Allan Paule, may staying power sa showbiz

Gardo Versoza, Daniel Fernando, at Allan Paule, may staying power sa showbiz

Allan-Paule-Daniel-Fernando-Gardo-VersozaMAGKAKAKILALA AT naging malalapit na magkakaibigan sa showbiz sina Gardo Versoza, Daniel Fernando at Allan Paule dahil sa naalagaan sila ng mga taong propesyunal sa pangangalaga ng kanilang career. Natutunan nilang pahalagahan ang kanilang mga trabaho, dahil importante para sa kanila ang suwerteng nangyari sa kanila, na sa pagdaan ng panahon ay napatunayan nila ang kanilang mga sarili kaya hanggang ngayon ay narito pa rin sila sa showbiz.

“Bago ako napunta sa pulitika ay solved na ako sa mga naranasan ko sa showbiz, dahil nakarami din ako ng nagawang pelikula. Kapag may pagkakataon, babalik pa rin ako sa showbiz, dahil masayang trabaho ang maging artista,” wika ni Daniel na ngayon ay Vice Governor na ng Bulacan.

“Nasubukan kong magpaseksi noon, pero dahil hindi ko naman gustong magtagal doon, kaya dinesisyonan ko rin na iwan ang image na iyon. Tama naman ang ginawa ko, dahil nang iba naman ang gawin ko, ay sinuportahan pa rin ako ng mga tao,” banggit ni Gardo na sobrang busy ngayon sa telebisyon.

“Kapag mayroong mga baguhan ngayon na nagtatanong sa akin kung ano ang sekreto para magtagal ka sa trabahong ito? Siguro, mahalin at seryosohin mo ang trabaho mo.  Kahit ako, hindi ko alam na magtatagal ako ng ganito sa showbiz, na sobra kong ipinagpapasalamat,” sabi ni Allan.

ChorBA!
by Melchor Bautista