Game show ni Willie Revillame sa TV5, malabong matuloy!

ADVERTISING

Game show ni Willie Revillame sa TV5, malabong matuloy!Game show ni Willie Revillame sa TV5, malabong matuloy!BALITANG ISANG GAME show ang iho-host ni Willie Revillame sa TV5 by July – ang The Price Is Right. Pero mukhang malabo raw itong matuloy, dahil ayon sa isang Kapamilya insider, may existing contract pa rin ang TV host sa ABS-CBN. Kung gustuhin man daw ni Willie na magpa-release, hindi pa rin daw basta-basta puwedeng gumawa ng ibang show si Willie sa ibang channel.

May legal implications kung sakali, dagdag pa ng insider.

ADVERTISING

Win-win situation kasi ang ABS-CBN at si Willie sa kanilang partnership. Malakas sa rating ang Wowowee, na aminin na natin sa dahilang ang TV host talaga ang main attraction nito.

Malaki rin naman ang talent fee ni Willie na kung paniniwalaan nga ay umaabot ng P25-M a month.

Kaya sa pagbalik ni Willie mula Macau, China, doon pa lang din malalaman kung magkakaayos sila ng Kapamilya network, dahil balita rin na naka-schedule nang makipag-meeting si Willie sa top executives ng TV network.

ADVERTISING

AALIS NG BANSA si Kris Aquino, pero hindi dahil sa sinabi niyang ‘yon ang gagawin niya kung mananalo ang kuya niyang si Noynoy Aquino na presidente ng bansa at maging cause siya ng sakit ng ulo nito habang nakaupo ang nakatatandang kapatid.

Inamin ni Kris kay Boy Abunda sa SNN na isinakripisyo niya ang SNN at The Buzz dahil anuman daw ang sabihin niya sa dalawang showbiz-oriented talk show ay nabibigyan ng ibang kahulugan. Bago matapos ang June, iiwan na ng TV host-actress ang dalawang programa.

Nakatakda ring magbakasyon ang pamilya ni Kris kapag natapos na ang drama series na Kung Tayo’y Magkakalayo. May mga bagong shows naman si Kris na gagawin sa ABS-CBN pagbalik niya mula pagbabakasyon, pero hindi na raw ‘yon kasing-intriga ng SNN at The Buzz.
BLINDITEM. NAGULAT ANG ISANG fan sa asal ng magandang TV host.

Pala-mura raw pala ito. Hindi raw akalain ng fan na sa kabila ng kagandahan ng TV host, magaspang daw ang ugali nito.

At kung makapagmura, para raw sa iskuwater nanggaling.

Naawa nga ang fan dahil ang napagdiskitahan ng TV host ay ang kanyang personal assistant. May hindi raw yata ito nagawa nang tama, kaya pinutakti na ng mura ng magandang TV host.

Bore Me
by Erik Borromeo

ADVERTISING