Game show ni Robin Padilla, tsugi na

ADVERTISING

Game show ni Robin Padilla, tsugi na

Robin Padilla
Robin Padilla

Sad to say na tatapusin na raw ang game show ni Robin Padilla na “Game Ng Bayan” sa ABS-CBN.

Ipinarating na raw ng management kay Robin Padilla na tatapusin ang show kamakalawa, pero hindi nagkaroon ng pamamaalam na dapat raw sanang ginawa.

Sayang naman at marami pa namang napapaligaya ang game show at sa totoo lang ay pinag-uusapan na rin ang naturang game show.

Kung talagang wala nang magagawa para pigilan ang pagtatapos ng show, hindi naman mababakante si Robin dahil nandiyan pa rin naman ang “Pilipinas Got Talent”, kung saan isa si Robin sa mga hurado kasama sina Angel Locsin, Vice Ganda, at Freddie Garcia.

ADVERTISING

Sigurado kami na may ipapalit sa game show. Sure din kami na hindi ito teleserye dahil ayaw ni Robin na gumawa ng serye.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING