Galing daw sa gay benefactor
Paulo Avelino, worth P30-M ang pinatatayong mansion?!

ADVERTISING

<i>Galing daw sa gay benefactor</i><br> Paulo Avelino, worth P30-M ang pinatatayong mansion?!

Paulo-AvelinoMARAMI ANG nakapansin sa malaking pagbabago ng ugali ni Paulo Avelino kahit nabantilawan na ang kanyang showbiz career. Matagal ding namahinga ang actor after ng show nila ni Angeline Quinto na hindi naman nag-click sa manonood.

ADVERTISING

“Feeling sikat kahit pang-supporting lang siya ng bida,” say ng kausap namin.  “Kasi naman, kahit hindi mag-artista ngayon si Paulo, masagana ang takbo ng kanyang pamumuhay, “ dugtong pa niya.

Naintriga tuloy kami sa binitawan nitong salitang bonggacious na ngayon si Paulo kaya’t tanong namin, “May sugar mommy ba o matronang beki si Paulo? “’Yan ang dapat mong tuklasin kung may matrona o beki ngang nag-aalaga sa kanya. Hindi ko sasabihin, ayaw kong sa akin manggaling, mahirap na…”

Lalo kaming na-puzzle sa tinuran niya, clue na lang, friend? “’Pag nagbigay ako ng clue, baka mahulaan mo, huwag na…”

ADVERTISING

Katunayan nga, nagpapagawa raw ngayon ng bahay si Paulo sa may Fairview. Hindi basta-basta bahay lang ang pinagagawa ng binata.

“Mansion lang naman at napaka-sosyal ng lugar. Hindi ka agad puwedeng makapasok dahil dadaan ka pa sa security. Puro mayayaman at mga celebrity ang nakatira du’n. Ayaw lang ipagmaingay ang tsika ito at baka maudlot at maintriga pa si Paulo… open secret ito.Pero huwag mong sasabihin na sa akin nanggaling dahil hindi ko aaminin, mahirap na, ‘teh,” kuwento pa ng kafatid namin sa panulat na ayaw ipabanggit ang pangalan.

Nalaman din naming mahilig pala sa artista itong si Mr. B (benefactor). Kahit may anak na si Paulo,malakas pa rin ang sex appeal. Hindi naging hadlang ang pagiging binatang ama para hindi nito magustuhan ang magaling na actor. Very much in love daw ang benefactor ni Paulo kaya kahit P30 million ang magiging gastos ng mansion ng hunk actor, walang problema. May katuwiran palang mag-feeling great itong si Paulo dahil may rich benefactor nga raw ito.

True nga ang tsika sa amin. Iba na nga raw ang dating nito sa presscon ng bago niyang serye. Nawala na ang pagiging friendly nito sa mga dati niyang kaibigan sa press. Palibhasa, may nag-aalaga kaya kutis-artista ang dating ng actor at mukha raw ang bangu-bango sa signature nitong kasuotan.

Paulo-AvelinoTuloy, nagbalik sa aming alaala nang minsan nakasabay namin si Paulo sa MRT na nagmamadali. Nakasuot  lang ito ng white T-shirt na hindi kaputian, hindi bago. Halata mong tag-gutom pa noon ang binatang ama. Pero ngayon, very confident na ito dahil big time na nga siya sa tulong ng kanyang benefactor.

Ayaw naming mag-isip ng masama. Hindi pa naman kalakihan ang kinikita ni Paulo, may mansion agad-agad na pinagagawa. Good for him kung sa sarili niyang pagsisikap at hard work kaya siya nakapagpagawa ng mansion para sa sarili niya at sa kanyang pamilya.

Sa totoo lang, nang una naming makilala si Paulo, napaka-pleasant ng kanyang personality. Napaka-down-to earth, napaka-lovable at walang ere sa katawan. Taong-tao kausap, napaka-positive ng outlook sa buhay. Pero ngayon, nagbago na nga sa pakikitungo si Paulo, parang walang kakilala. Kahit nga ‘yung mga taong tumulong sa kanya nang siya’y nagsisimula pa lang, hindi niya malapitan at kumustahin man lang ang mga ito.

Well, ganu’n talaga ang mga artista…

Kung dati ang lakas ng dating ni Paulo sa unang teleserye with Coco Martin at Julia Montes sa Kapamilya Network. Ngayon, parang nawala na ‘yung magic niya sa bago niyang soap. Hindi na nga namin maramdamang kasama pala siya sa teleseryeng Honesto.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING