Galawang STOPerandi

ADVERTISING

Galawang STOPerandi

SA PANAHON ngayon, hindi na maiiwasan ang mga taong may masasamang kaluluwa. Ano nga ba ang ibig kong sabihin dito? Masyado nang maraming krimen ang nangyayari sa paligid. Marami na ang namatay sa kamay ng mga masasamang tao. At marami na rin ang nagbuwis ng buhay habang inililigtas ang kapwa.

ADVERTISING

Minsan, masasabi mo na wala nang ligtas na lugar sa panahon ngayon. Ultimo kahit nasa pamamahay ka na lang, may posibilidad pa rin na may mangyaring masama sa iyo. Kaya naman dapat maging alisto ang lahat ng tao ngayon lalo na ang mga bagets! Kahit sa murang edad, alam n’yo bang maktutulong kayo na maiwasan ang mga modus operandi ng mga masasamang tao! Ito ay ang tinatawag na STOPerandi, Stop Modus Operandi, ‘ika nga.

Nangunguna ang taxi sa pinangyayarihan ng mga modus operandi. Nariyan ang panghoholdap sa loob ng taxi. Ang mangyayari, isasakay ng driver ang pasahero, sa kalagitnaan ng pag-andar, may sasakay na dalawang lalaki na pagigitnaan ka, saka ka hoholdapin. Ibig sabihin kasabwat pati driver. Matapos kang pagnakawan, ibababa ka sa malayong lugar at babalaan na huwag lilingon kundi babarilin ka nila.

Nauuso rin sa taxi ngayon ang pagligaw sa iyo ng driver para pagnakawan at i-rape lalo na kung nag-iisa ang babaeng pasahero nila. At ang pinakamaingay na modus operandi ngayon sa taxi, ang paglagay ng nakahihilong chemical sa sasakyan na siyang magdudulot sa pasahero ng pagkahilo at kapag nangyari na iyon, pagnanakawan ng driver ang pasahero at ibababa sa malayong lugar. Nabiktima na ba kayo nito?

ADVERTISING

Sa mga nabiktima na, magpasalamat sa Diyos sa ikalawang buhay na ipinagkaloob, sa mga hindi, huwag nang hintayin na maranasan ito kaya gawin na ang galawang STOperandi. Paano nga ba ito? Simple lang. Kung dati, isine-send mo lang sa kapamilya o sa kaibigan ang plate number ng taxi, ngayon, pagkasakay na pagkasakay mo, alamin ang contact details ng taxi driver, hanapin ang ID nito, at kumuha ng selfie kasama siya at i-send sa iyong social media sites. Sa ganitong paraan, sa simula pa lang maiiwasan na ang paggawa nila ng masama dahil alam na ng lahat ang personal details ng taxi driver.

Bagets, kung may mga masasamang pangyayari kayong nakikita. Kung sa tingin n’yo ligtas naman, kuhanan ito ng larawan o video. Ito ay para magkaroon ng sapat na ebidensiya laban sa suspek at maisuplong sa mga pulis. Kung maraming tao sa paligid, magpatulong sa kanila. Maging alisto, magtawag agad ng tanod o ng pulis upang mahuli ang masamang tao.

Matalino ang mga Pinoy Bagets kaya panigurado marami tayong STOPerandi na magagawa upang maging ligtas sa mga modus operandi sa panahon ngayon.

Usapang Bagets
By Ralph Tulfo

ADVERTISING