Gabrielle Concepcion, pangarap na makasama sa concert si Lea Salonga

ADVERTISING

Gabrielle Concepcion, pangarap na makasama sa concert si Lea Salonga

Gabrielle-ConcepcionSI LEA Salonga raw ang idolo ng newest Warner Music Philippines recording artist na si Gabrielle Concepcion, anak nina Grace Ibuna at Gabby Comcepcion. Ang Pinay international singer at Tony awardee ang gusto nitong maka-collaborate at makasama sa concert. “I’m biggest fan of Lea. Since bata pa ako, kinakanta ko na ‘yung mga songs niya at mga princess songs.”
Bukod sa magaling umawit katulad ng kanyang Daddy Gabby at half-sister na si KC Concepcion, magaling din itong mag-compose, kung saan isa sa laman ng kanyang album ay siya ang nag-compose (Shadow Me Down), habang ang iba pang laman ng kanyang album ay sure hit songs.
Bukod sa pag-awit, susubukan din nitong pasukin ang pag-arte sa pelikula at telebisyon, ayon na rin sa manager nitong si Joed Serrano.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING