Gabby Eigenmann, mas gustong gumawa ng pelikula sa 2016

ADVERTISING

Gabby Eigenmann, mas gustong gumawa ng pelikula sa 2016

Gabby-Eigenmann

ADVERTISING

Naging maganda raw ang 2015 ni Gabby Eigenmann sa pagkakaroon nito ng sunud-sunod at magagandang proyekto at sa pagkapanalo nito ng dalawang award.
“Happy naman, ang dami kong shows na nagawa na hindi ko (expected), from Wansapanakids, Parekoy, Beautiful Strangers, Insta Dad… so, I’m very grateful. Tapos I’ve won two awards this year, so overwhelmed pa rin ako.
“Every year, lagi akong nagpapasalamat talaga sa biyayang ibinibigay sa akin. There are years that are really tough, there are years na tuluy-tuloy ang blessings. Masasabi ko, balance ngayong taon na ‘to.
“So, kung ano man ang mangyayari sa 2016, sabi ko nga, magre-renew na ako sa GMA, surprise na lang sa 2016 kung ano’ng mangyayari.”
Ang paggawa raw ng maraming pelikula ang gustong gawin ni Gabby sa 2016.
“I wanna do more movies and I talk to Perry (Lansigan), sabi ko, nagko-contemplate ako.” Pagtatapos ni Gabby.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING