Gabby Eigenmann, instant dad sa 2 anak ng ka-partner

Gabby Eigenmann, instant dad sa 2 anak ng ka-partner

Gabby-EigenmannPAGKATAPOS MAGBIDA sa Dading, title role ulit si Gabby Eigenman sa bagong serye ng GMA na InstaDad. At excited daw ang aktor dahil isa na namang maganda project ito para sa kanya.

“The story is about parenthood pa rin, pero lalaki naman ako this time,” aniya nga nang makausap namin sa taping ng Celebrity Bluff.

“I play the role of a chef. Tapos meron akong naging girlfriend na nabuntis ko. Pero ‘yong kapatid ng girlfriend ko, tutol sa amin. Inilayo siya sa akin. Tapos nalaman ko na buntis siya na… triplets. Tapos after 15 years, kinilala ko ‘yong tatlong mga anak kong iyon.”

Bukod sa InstaDad, kasama rin siya sa cast ng Pari Koy. Pero medyo may pagka-kontrabida ang role niya sa seryeng ito na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes,

“Sobra-sobra pa sa inaasahan ko, dahil dalawang shows nga. So, I can’t ask for anything more. Madali akong naka-relate do’n sa role ko sa InstaDad, kasi I have four kids, e. Tapos ‘yong tatlo do’n e, halos teenagers na. I have only one girl. Dito naman sa story ng InstaDad, triplets na babae. So, I don’t want to say it’s easy. Pero mas kaya kong intindihin ang pagiging daddy sa kanila. Sana hindi na maging mahirap sa akin na iportray ang role ko sa buong panahon na magti-taping kami. Kaya lang tatlo nga sila na iba’iba ang personality. Iyon ang magiging takbo ng istorya. How will I handle ‘yong mga anak ko na triplets.

“Sila si Mayumi na eldest and portrayed by Ashley Ortega. Simple at pinakamatalino na medyo may pagka-maarte pero siya ‘yong prim and proper. ‘Yong pangalawa naman ay si Marikit na ginagampanan naman ni Gabrielle Garcia. Siya ‘yong boyish type na medyo adrenalin junkie na mahilig sa sports at parang lalaki kung kumilos. Tapos ‘yong si Maaya portrayed by Jazz Ocampo, sobrang kikay. Laging nagpapa-picture at laging nasa social media.”

Wala siyang magiging partner o love interest bukod do’n sa namatay na nanay ng triplest na anak niya?

“Sa story, meron akong girlfriend na beauty queen. Pero hindi pa alam kung sino dahil naghahanap pa lang kung sino ang bagay for the role.”

Sa totoong buhay ay hindi lang ideal si Gabby bilang daddy kundi bilang husband din. At nananatiling tahimik at masaya ang pagsasama nila ng misis niya. Magsi-seventeen years na sila. Ano ba ang sikreto ng matatag na relasyon nilang mag-asawa?

“I guess that’s the only thing na private sa buhay namin, e. I maybe a public figure pero as much as I can, hindi ko ipinakikitang… hindi ko gusto na pinag-uusapan ‘yong sa family ko especially my kids. Hindi naman sa ano…. Kasi iyon lang ang private sa akin.”

Siguro kung artista ring gaya niya ang kanyang naging asawa, hindi naging gano’n katahimik at solid ang pagsasama nila.

“Well… siguro. It takes two to tango, you have to make it work, e.”

During his younger years, siguradong naging sobrang lapitin din siya ng mga babae. Was there a time ba hindi siya naka-resist sa temptation?

“Pinagdaanan ko ‘yong gano’n. Pero hindi ako na-tempt!” sabay ngiti ni Gabby. “It was a choice, e. It was a very difficult choice that I made. Kasi siyempre when I was younger, ‘yong partner ko ngayon… I was an instant dad to begin with, e. ‘Yong partner ko ngayon, she had two kids already. Tapos I was a bachelor. But for me it was true love, e. Parang hindi naging hindrance na porke may anak na, e… hindi mo na puwedeng mahalin, ‘di ba? So, to me it was ano… it was a choice that I made.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan