Gabby Eigenmann, daddy na naman sa bagong show

ADVERTISING

Gabby Eigenmann, daddy na naman sa bagong show

Gabby-EigenmannINSTADAD ANG 2015 Best Supporting Actor Nominee sa nakaraang 31st Star Awards for Movies na si Gabby Eigenmann sa bagong Kapuso show na ganu’n din ang pamagat. Ang InstaDAD ay isang napapanahong programang tumatalakay sa iba’t ibang isyung pampamilya na tiyak na susubok sa pagiging ama ni Kenneth na gagampanan ni Gabby.

Isa sa mga hottest bachelor ng Manila at isang sikat na chef, isang araw ay malalaman niyang nagkaroon siya ng triplets sa naging karelasyon niya. Ang triplets ay gagampanan ng mga newcomers na sina Ashley Ortega, Gabbi Garcia, at Jazz Ocampo.

Sa direksyon ng guwapong-guwapong si Direk Neal del Rosario, kasama rin sa InstaDAD sina Matet de Leon, Juancho Trivino, at ipinakikilala si Prince Villanueva ng Walang Tulugan.

Kung sa Dading ay gay ang role ni Gabby, bago na naman sa kanya ang role sa bagong programa. At sabi ni Gabby, welcome siya sa iba’t ibang roles lalo na ‘pag challenging ang mga ito.

ADVERTISING

Wala ring problema kay Gabby sakaling may offer na magpa-sexy siya. As long na hahawakan siya ng mahusay na director plus maganda ang role. ‘Yun lang, he need more time para mapaghandaan ito. Alam n’yo na, proper exercise at diet para naman katakam-takam ang katawan niya.

Mapapanood na ang InstaDAD sa Marso 22 pagkatapos ng Sunday All Stars.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING