Gabby Eigenmann, bidang-bida na sa wakas

ADVERTISING

Gabby Eigenmann, bidang-bida na sa wakas

Gabby-EigenmannMARAMI ANG sobrang happy sa magandang nangyayari ngayon sa career ni Gabby Eigenmann, dahil bida na nga siya sa sitcom na Dading ng GMA-7. Hindi naman kasi nakuha lahat ng mahusay na actor ang mga suwerteng dumarating sa kanya ngayon, kundi sobra-sobra rin ang kanyang pagtitiyaga na ginawa. Maraming bilib sa kanyang talent lalo na sa pagkanta, dahil kahit si Regine Velasquez ay humanga sa kanyang kahusayan.

Simpleng tao lang kasi si Gabby. Hindi siya ‘yung tipo ng artista na mahahalata mo na ipinagyayabang kung ano ang kanyang kakayahan. Kahit din siya ay nanggaling sa malaking angkan ng mga artista sa showbiz, wala siyang angas para ipagmalaki na magagaling sila. Ang nakatutuwa kay Gabby, kapag pinuri siya ng mga kasamahan niya sa showbiz, mararamdaman mo ang kanyang pasasalamat sa pag-appreciate sa mga kaya niyang gawin bilang artista.

Mahusay na rin si Gabby na magkontrabida. Pero dahil kaya rin naman niyang magpatawa, kaya sumakto rin siya sa kanyang pagbibida sa bagong sitcom ng Siyete. Mukha lang masungit ang kaguwapuhan ni Gabby sa personal. Isa sa kanyang mga pinsan na malapit kay Gabby ay si Geoff Eigenmann. Pero ‘yung pagiging maamo at kabaitan ni Geoff, ganu’n din ang ugali ni Gabby. Kaya halos malunod ngayon si Gabby sa mga magagandang salita na ipinaparating sa kanya ng mga lubos na nakakakilala sa kanya, na ngayon ay bidang-bida na talaga siya.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING