Gabby Concepcion, naalala si Sharon Cuneta nang makasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Gabby Concepcion, naalala si Sharon Cuneta nang makasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Gabby-ConcepcionSA GRAND presscon ng Crazy Beautiful You, lumalabas na isang mayor na ama ni Kathryn Bernardo si Gabby Concepcion at kukuning bodyguard si Daniel Padilla para protektahan ang nag-iisang spoiled na anak na babae.

Ayon kay Gabo, naalala niya si Sharon Cuneta habang nakikita niya ang sweetness at lambingan nina Kathryn at Daniel sa shooting. Super bilib nga raw siya sa tandem ng dalawa dahil nandoon ang respeto at pagmamahalan.

Payo niya sa dalawa na i-enjoy lang ang nangyayari sa kanila at huwag pabayaan ang pag-aaral dahil mga bata pa sila.

Pagkatapos ng presscon, nakorner ng ilang press si Gabby para hinangan naman ng reaction sa napapabalitang boyfriend na raw ng anak niyang si KC Concepcion si Paulo Avelino.

Nabalitaan at nakarating na nga raw sa kanya ang tungkol sa anak at kay Paulo. Pero wala raw siyang alam pagdating sa lovelife ni KC.

Nagkakausap naman daw sila ni KC, pero walang nasasabi sa kanya ang anak pagdating sa lovelife nito. Kapag nagkakasama raw sila, ini-enjoy lang nila ang isa’t isa at wala silang ibang pinag-uusapan.

Ayaw naman daw ni Gabo na usisain kay KC kung totoo na boyfriend nito si Paulo, dahil sa personal na ito ng anak. Nakikita niya sa anak na masaya ito sa buhay.

Pero kung ihaharap at ipakikilala raw ni KC si Paulo sa kanya, walang problema dahil gusto talaga niyang makausap at makaharap ito.

Ayon pa kay Gabby, kahit sino naman ay puwedeng ipakilala sa kanya ni KC basta’t magiging masaya ang kanyang anak.

Samantalang masaya si Gabo sa nakararating sa kanya na payat na ang ex-wife na si Sharon Cuneta. Matagal na raw silang hindi nagkikita at excited din siya na makita na si Megastar.

Pero hindi na umaasa si Gabo na matutuloy pa ang naudlot sanang pelikulang pagsasamahan nila ni Sharon. Kung sakali naman daw na mangyayari pa ito sa pagbabalik ng Megastar sa entertainment scene ay ikatutuwa niya.

Bago natapos ang interview kay Gabo ay nagpahabol ito na showing na sa mga sinehan ang Crazy Beautiful You on February 25.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo