Gabby Concepcion, naaalala ang kasikatan noong kabataan sa katauhan ni Daniel Padilla

ADVERTISING

Gabby Concepcion, naaalala ang kasikatan noong kabataan sa katauhan ni Daniel Padilla

Gabby-Concepcion-Daniel-PadillaILANG TAON din kasing nahinto ang kasikatan ni Gabby Concepcion dahil sa paninirahan niya sa Amerika noon, kaya ang mga nakawala sa kanya ay ang napakaraming trabaho sa showbiz na dapat sana ay gagawin niya. Na noon sa kuwadra ni Manay Lolit Solis, parang si Tonton Gutierrez muna ang sumalo ng mga proyektong dapat sana ay para sa kanya. Nabitin din si Gabo sa sitwasyon na makasama niya si KC Concepcion habang lumalaki.

ADVERTISING

Kaya nga ngayong kasama si Gabby sa pelikulang Crazy Beautiful You ng Star Cinema nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Lorna Tolentino ay hindi naiwasang ikumpara ang kanyang popularity noon sa sikat na sikat ngayong pamangkin ni Robin Padilla. Naaaliw lang si Gabo kay Daniel, dahil para sa daddy ni KC, isa sa pinakamasayang alaala ng kanyang career ay ang kanyang kabataan, dahil sikat na sikat talaga siya noon bilang Regal Baby na naging ka-loveteam din ni Sharon Cuneta.

“Ipinagpapasalamat ko rin naman talaga ‘yung suwerteng naranasan ko noon sa career. Umalis ako at bumalik, pero nakagagawa pa rin ako ng pelikula at mga teleserye. Happy ako, dahil bukod kay Sharon, kami ni Lorna ay nakagawa rin ng maraming pelikula. Kahit si Governor Vilma Santos-Recto ay nakapareha ko rin noon, at marami kaming nagawang pelikula,” wika ni Gabby.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING