Gabby Concepcion, hands-off sa pagpapa-sexy ni KC Concepcion

ADVERTISING

Gabby Concepcion, hands-off sa pagpapa-sexy ni KC Concepcion

Gabby-CncepcionAYAW NI Gabby Concepcion na pakialaman ang ginawang pagpapaseksi ng anak na si KC Concepcion dahil nasa hustong edad na raw ang anak nila ni Sharon Cuneta. Isa pa, nasa showbiz din si KC at ang ginawa raw nitong pagpapaseksi ay siguradong hindi naman masagwa at ikahihiya ng kanilang pamilya.

Hindi pa raw niya nakikita ang sinasabing sexy picture ni KC na napuna nga raw ni Sharon. Kung magde-decide naman daw siya na may limitasyon siya sa mga sexy photos ng anak ay kailangan daw muna niya itong makita.

Sa mga nagbaba-bash naman daw sa pagpapaseksi ng kanyang anak, muling iginiit ni Gabby na choice daw ‘yun ng kanilang anak ni Sharon at nasa hustong edad na ito.

“Beauty is in the eye of the beholder,” say ni Gabby.

ADVERTISING

Ang masasabi lang niya bilang ama, darating at darating daw talaga ang panahon na kailangang hayaan natin ang mga anak natin to run their lives.

“We cannot always be behind them sa lahat ng mga bagay. Kasi may mga desisyon na kahit sabihin mo na huwag because laban sa paniniwala mo, eh, ‘yun ang paniniwala nila,” pahayag pa ni Gabby.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING