Gabby Concepcion, gustong makasama ang lahat ng ex sa isang project

ADVERTISING

Gabby Concepcion, gustong makasama ang lahat ng ex sa isang project

Gabby-ConcepcionKUNG SI Gabby Concepcion ang masusunod, gusto niyang makasama ang lahat ng ex sa pelikula. Alam daw niya na mahirap mangyari, pero wala na raw imposible sa ngayon.

Nakarating na rin kay Gabby na nagbabalik-showbiz ang ex niyang si Dindi Gallardo at sana raw ay nakasama ito sa Because of You na bagong serye nila ni Carla Abellana sa GMA 7.

Ayon pa kay Gabo, sana raw matupad ang hangarin niyang gumawa ng project na kasama ang lahat ng naging ex-girlfriend.

“Dati naisip ko na maganda sana ‘yun na lahat ng mga ex ko nasa isang teleserye or movie, puwede ‘di ba?” say ni Gabo.

ADVERTISING

Gusto rin daw niyang gumawa ng reality show na tulad ng It Takes Gutz To Be a Gutierrez. Pero ang isa pa rin sa pinakakaasam niya na mangyari ay ang reunion movie nila ni Sharon Cuneta.

“Oo, ang tagal na nga, eh. Naiinip na nga ako. Ako pa? Dahil kararating ko lang, sabik akong gumawa ng pelikula. Hindi naman ako ang magiging dahilan kung bakit hindi kami makagagawa ng project,” aniya.

Sa lahat ng naging anak niya ay wala raw silang problema. May communication naman daw siya sa mga ito maliban kay Cloie na anak niya kay Jenny Syquia.

“Pero I believe nga na panahon lang ang hinihintay. Parang AlDub lang, ha? Sa tamang panahon,” nakatawang say ni Gabo.

Magiging masaya nga raw ang Pasko niya dahil mayroon siyang serye sa GMA 7, ang Because of You, kasama ang mag-amang Carla Abellana at PJ Abellana, at iba pang Kapuso stars.

Akala ni Gabo, aalis na siya papuntang Tate at doon na magse-celebrate ng kaarawan ngayong November. Pero dahil may natanguan na siyang commitment sa Tate, kailangan niyang umalis at kaagad na babalik dahil sa serye nila ni Carla.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING