Gabby Concepcion, ‘di pa handang maging lolo

ADVERTISING

Gabby Concepcion, ‘di pa handang maging lolo

Gabby-ConcepcionPAGKATAPOS I-DENY pareho nila KC Concepcion at Paulo Avelino na buntis ang aktres kung kaya’t namamalagi ito ngayon sa America, at sinasabing nag-a-advanced study ng acting, mismong ang ama ni KC na si Gabby Concepcion ang nagklaro rin kung totoo ang lumabas na balita at nagbiro pa ito sa amin na hindi pa siya handang maging isang lolo.

Bukas ang komunikasyon ng mag-ama kahit nasa New York ngayon ang panganay na anak, tinanong din pala ni Gabby si KC tungkol dito. Natawa lang si KC at siniguro naman nito na hindi siya nagdadalang-tao.

Sa kanyang Instagram posts, klinaro rin ni KC na ‘di siya buntis at bago pa man siya umalis ng bansa ay naging isyu na ito, namatay pero muling nabuksan ngayon. Bilang patunay na hindi siya talaga buntis ay nag-post din ang aktres ng mga larawan niya na nag-e-exercise at flat na flat ang puson at tiyan.

Siniguro din ni KC na kung siya ay magbubuntis sa kauna-unahang pagkakataon, hinding-hindi niya ito itatago manapa’y ipagmamalaki sa buong mundo.

ADVERTISING

Tinanong namin si Gabby kung personal na niyang nakilala si Paulo sa kabila na naudlot ang espesyal na relasyon sana nito kay KC. Ayon sa aktor, hindi personal na naipakilala sa kanya si Paulo. Nakarating sa kanya ang balita, pero hindi niya alam kung pormal nga ito, lalo’t hindi siya nakikialam sa personal na buhay ng mga anak.

Ayon kay Gabby, kasama ni KC ang kapatid nitong si Garrie sa New York, na masaya naman ang mga ito, kanya-kanyang career path at noon pa man ay sinasabi na sa kanya ng anak na gusto nitong pagbutihin pa lalo ang pag-arte.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING