Gabby Concepcion, atat na atat na sa reunion nila ni Sharon Cuneta

Gabby Concepcion, atat na atat na sa reunion nila ni Sharon Cuneta

Gabby-ConcepcionNAIINIP NA si Gabby Concepcion sa reunion movie nila ni Sharon Cuneta na matagal nang pinaplano pero hanggang ngayon ay hindi pa rin matuluy-tuloy.

“Parang ang tagal,” say ni Gabo. “I’m from the inside, but I look at myself also na parang from the outside. Gusto kong makita ‘yung movie na ‘yun, kung ano ang… number one, kung ano ‘yung content at kung paano ang magiging acceptance ng fans. Kasi mayroon kaming mga followers na nandiyan pa rin na naghihintay lang ng project.”

Kung sina Richard Gomez at Dawn Zulueta ay binigyan uli ng pagkakataon na magsama at ibalik ang pagiging mag-loveteam ng dalawa, bakit naman hindi puwedeng buhayin ang tandem nina Gabo at Shawie na aminin man o hindi ay talagang nag-hit ang kanilang loveteam noon, ‘di ba?

Na sinang-ayunan nga ni Gabo at sinabi na, “I’m also a hopeful fan ng aming team-up.”

Sa tanong naman kung nakahanda na ba siya kung sakaling sabihin ng panganay na anak na si KC Concepcion na gusto na nitong mag-asawa: “Yes, anytime. She’s at the right age,” kaagad na sagot ni Gabo.

How about maging lolo? “Oo, anytime. Kahit great grandpa pa,” natatawang say pa ni Gabo.

Sa reunion movie nila ng Megastar, hindi kaya hindi pa handa si Sharon dahil una ay nagkasakit ito at ikalawa ay gusto yata ni Shawie na makapag-reduce kahit papaano dahil sa sobrang taba niya ngayon?

Well, sana kapag natuloy ang comeback movie nila ay bumagay ang istorya sa kanilang dalawa.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo