Gabbi Garcia at Khalil Ramos binulgar ang sikreto ng kanilang relasyon

SA WAKAS ay mapapanood na simula ngayong Lunes, June 6 ang highly anticipated GMA News & Public Affairs na ‘Love You Stranger‘ na pinagbibidahan ng real-life couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na mas kilala rin bilang ‘GabLil‘.

Matatandaan din na originally ay last year pa ipapalabas ang nasabing serye. Nag-umpisa nga sila ng kanilang locked-in taping early last year, pero nagkaroon ng aberya kaya ito ay na-delay.

Masasabi na worth the wait naman ang proyekto dahil base sa trailer na inilabas ng Kapuso Network ay very intriguing ang nasabing palabas.

Ngayon na ‘reel’ and ‘real’ ang partnership nina Gabbi at Khalil, marami ang nagtataka kung paano nila nababalanse ang kanilang relasyon? Paano sila tumagal ng five years?

Ayon kay Gabbi, bestfriends talaga sila ni Khalil to begin with. “Best friends kami eh. Sobrang tropa kami and everybody knows that. Sometimes, we just really hang out and not go on a romantic date. We just love doing things together,” kuwento ng dalaga.

“Fall in love with your best friend, ‘yan ang secret,” pahabol pa ni Khalil.

Unang nagkatambal sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino entry na ‘LSS’ sina Gabbi at Khalil. Nang lumipat si Khalil sa GMA ay nakatambal din niya ang girlfriend sa isang episode ng Regal Studio Presents at sa afternoon mini series na ‘Stories From The Heart: Love On Air’.

Panoorin gabi-gabi ang ‘Love You Stranger’ tuwing 9:45pm. Kasama rin sa programa sina Gil Cuerva, Lexi Gonzales at Kim de Leon.

Previous articleBeauty Gonzalez, hihinto na sa showbiz pagkatapos ng anim na taon
Next articleTop 5 Moira Dela Torre ‘hugot’ songs