Gab Valenciano at Coleen Garcia, pag-aari na ang isa’t isa!

ADVERTISING

Gab Valenciano at Coleen Garcia, pag-aari na ang isa’t isa!

Gab Valenciano at Coleen Garcia, pag-aari na ang isa’t isa!“EXCLUSIVELY EACH other’s personal belonging.” ito ang deskripsyon na ibi-nigay sa amin ni Gab Valenciano nang makausap namin siya kamakailan at tanungin namin kung ano ba talaga ang tunay na estado ng relasyon nila ni Coleen Garcia.

ADVERTISING

Laging magkasama at ‘di man diretsahang aminin ay kita naman ang espesyal na relasyon na namamagitan sa dalawa, masayang kinuwento rin sa amin ni Gab na maganda ang relasyon ni Coleen sa kanyang pamilya, partikular na sa kanyang ina na si Mrs. Angeli Pangilinan-Valenciano, kung saan naging bukas ang ina sa pagiging sweet at thoughtful sa aktres.

Ikinuwento sa amin ng TV host na nagsasabi ang ina ng ‘I love you, goodnight… sweetheart’ kay Coleen na hindi niya naranasan na naging ganito kalapit si Tita Angeli sa lahat ng nakarelasyon niya.

Kasama rin si Coleen habang kinakausap namin si Gab, hiningan naman namin ng reaksyon ang aktres kung ‘di ba siya natakot sa mga paratang na naikabit na kay Gab gaya ng babaero, heartbreaker at siya palagi ang nag-i-initiate ng breakups sa mga nagiging karelasyon nito.

ADVERTISING

Ayon kay Coleen, maingat siya sa ganitong mga bagay pero dahil kakilala at kaibigan niya si Gab, ‘di siya nakaramdam ng takot o kaba na baka lokohin siya nito. Tanggap at boto rin ang pamilya niya kay Gab, kung saan ang turing dito ng kanyang ina ay parang tunay na rin nitong anak. Masaya rin si Coleen at malaking bagay para sa kanya na tanggap at boto sa kanya ang pamilya ng boyfriend.

 

KAILANGAN NI Toni Gonzaga na dalawang buwang medikasyon dahil may bacteria na nakita sa kanyang bituka at namamaga ito, kung kaya’t limang araw siyang ‘di nakadumi, nagsusuka at sobrang sumama ang pakiramdam na naging dahilan kung bakit na-pack up ang shooting ng movie nila nina Vice Ganda at Luis Manzano.

Dahil sa mga kinakain at stress ang rason kung bakit mistulang nagwelga ang digestive system ng TV host/actress at ‘di ito nag-function nang tama.

Ayon kay Toni, isa rin sa nakikitang dahilan ng naging problema niya sa kanyang kalusugan ay dahil sa iregularidad ng pagkain niya, kung saan minsan ay ‘di siya gaanong kumakain, pero ‘pag nagutom naman at nagustuhan ang nakahain sa kanya ay talagang kakain siya nang marami.

‘Di man nadalaw ni Direk Paul nang bumalik sa ospital para magpa-confine uli pagkatapos lumabas dalawang linggo na ang nakalilipas, kung saan dinaluhan pa rin ni Toni ang ASAP at The Buzz lalo’t ni-launch ang bagong produkto ng Belo kung saan siya ang nag-eendorso, ‘di makadaan ang boyfriend papuntang St. Luke’s dahil baha ang mga daraanan nito at nang minsang lumuwas para dalawin siya ay na-stranded ito.

Maayos na ang pakiramdam at balik muli sa shooting ng pelikula nila ni Vice, masaya at excited ang TV host dahil bukod sa mahusay magpatawa, si Toni ang isa sa unang naging kaibigan ni Vice nang pumasok ito sa showbizness.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING