Gab Lagman, magpi-piloto na lang kapag hindi naging satisfied sa showbiz

ADVERTISING
Leo Bukas

MAGTA-TATLONG taon na sa Viva si Gab Lagman at masuwerteng naging bahagi ng teleseryeng Halik last year sa ABS-CBN na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Yam Concepcion, Yen Santos at Sam Milby.

“Hindi ko po naisip na magiging tuluy-tuloy yung project ko kaya nung nabigay po sa akin yung Halik sobrang thankful po ako sa RSB Unit at sa ABS-CBN na pinagtiwalaan ako.

ADVERTISING
Gab Lagman, magpi-piloto na lang  kapag hindi naging satisfied sa showbiz
Gab Lagman

“I’ve only been in the industry for three years and everything happen so fast. At some point I felt overwhelmed nung nasa Halik po ako, kasi siyempre nakakaeksena ko po yung mga actors that I looked up to – Kuya Echo, Kuya Sam – I felt like it was a blessed experience po talaga,” tsika sa amin ni Gab sa isang interview.

Kapag hindi naging successful bilang aktor ay balak ni Gab na ituloy ang pag-aaral.

“Kung hindi po ako naging satisfied sa takbo ng career ko I’m planning to go back (sa States) or dito po and study, gusto kong maging pilot,” sey pa ng hunk actor.

ADVERTISING

Pero handa naman daw siyang maghintay kung kelan darating ang kanyang panahon.

“For me, I’m just being patient. I don’t wanna… I really believe in timing po. Timing lang po talaga yan,  so I’m not gonna force… I’m not gonna be upset if I don’t… I know like some actors waited for 8, 7 years.

“Siguro ako po, ano po, I will probably give myself five more years. If nothing happen really big before I turn 30 I wanted to pursue my pilot thing,” wika ng 24-year-old model-actor.

Samantala, tatlong pelikula ang nakatakdang gawin ni Gab sa Viva na bahagi ng 34 movies na ipo-produce nila ngayong 2020. Ito ay ang mga pelikulang Love The Way You Lie, Mang Jose at UFO.

 

 

ADVERTISING