G Toengi, mukha nang matrona?!

ADVERTISING

G Toengi, mukha nang matrona?!HINDI NA NAPIGILAN pa ni Raymond Gutierrez ang magbigay ng kanyang disgusto sa nangyaring pagbasura sa kasong isinampa ng kakambal laban sa PEP.

Matitindi ang mga salitang binitawan ni Raymond sa huwes na nagdesisyong ipawalang-saysay ang reklamo ng kapatid at nakahanda umano siyang harapin naman ang anumang kaukulang hakbang para lang maipakita niyang ipinakikipaglaban nila ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng batas.

ADVERTISING

Minsang pang ipinapakita ng Gutierrez family ang kanilang pagkakaisa sa usaping ito. Ang latest na nakarating sa amin habang sinusulat namin ito ay ang muling pagpapakawala ng mga kakaibang opinyon ni Tita Annabelle Rama at ang diumano’y planong pag-apela ni Richard na siyang direktang naghahabla.

May tsika pa ang aming source na may mga kinakausap na diumanong ‘influential persons’ ang pamilya Gutierrez if only to ensure na sa second round, may maganda nang haharapin ang kaso.

Just asking kung totoo ngang pati ang ultimong aksidenteng pagkakabati noon nina Tita Annabelle at PEP Executive Editor na si Joan Maglipon sa libing ni Tito Douglas Quijano ay muling mabubuhay as a ‘monster item?’

ADVERTISING

KUNG ANG SAMBAYANAN ay nagdarasal para sa isang milagro para kay dating Pangulo Cory Aquino, mukhang ito rin ang hangad ng marami para kay Baron Geisler.

Muli na namang nasusuong sa kontrobersiya ang pasaway na alaga ni Direk Maryo J. delos Reyes nang mabalitang ang mismong kasama nito sa isang movie (Aljur Abrenica) na shot in Bohol ang diumano’y huling nakaengkuwentro nito nang lasing?

Isang kaibigan namin nina Direk ang nagsabing may bahid ng katotohanan ang isyu subalit wala naman daw talagang nangyaring sakitan. “Nagka-asaran ba o ‘yung simpleng nagkainitan lang. Pero naawat din at nagpaawat din naman si Baron na in fairness, hindi lasing. Mukha lang lasing, kasi ‘yun ang laging gustong ikabit sa kanya ‘pag may ganu’ng gulo,” ang paliwanag ng kausap namin.

Parang nahilo yata ako rito sa kuwentong ito? Hindi rin naman po ako lasing o nakainom kaya? Do I need a miracle here?

ANO KAYA ANG plano ni G. Tongi? Aba’y nang mapanood namin ang kanyang supposedly erotic and sexy dance production number sa ASAP, isang halos matronic beauty ang bumulaga sa amin.

Hindi na siya sexy. Lalong hindi na siya graceful gumalaw. Parang ang bigat-bigat nang dalhin ang kanyang mga braso at hita na bumilog talaga.

Sa dami ng mga bata at mga seksing umiindayog sa ASAP every Sunday, nagmukha tuloy nagmumurang kamatis ang isang G. Tongi na in fairness naman noon, talagang isa sa ‘pinaka’ ng showbiz!

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

ADVERTISING