Fun and Flirty Rhian Ramos, nakakaaliw panoorin sa ‘The One That Got Away’

ADVERTISING

Fun and Flirty Rhian Ramos, nakakaaliw panoorin sa 'The One That Got Away'

Fun and Flirty Rhian Ramos, nakakaaliw panoorin sa 'The One That Got Away'
Rhian Ramos

ISANG light, sexy romance series ang “The One That Got Away”. Ito ang pumalit sa successful “My Korean Jagiya” nina Heart Evangelista at Alexander Lee. Ang bagong proyekto na tinatawag na “TOTGA” ay pinagbibidahan nina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos. Pinag-aagawan nila rito ang GMA Drama King na si Dennis Trillo.

Nakakaaliw ang unang linggo ng palabas. Mabilis ang pacing at very relatable ang mga characters. Si Lovi Poe rito si Alex na isang workaholic and by the looks of it, siya ang pinakamalakas na contender for being Liam’s (Dennis Trillo) TOTGA. Napaka-modern Pinay kasi ng kanyang papel na maliban sa kanyang career ay ideal din ang kanyang family life.

Si Max Collins naman si Darcy na isang fitness trainer at talagang kumakayod para may ipangbayad ng mga utang. Sporty at adventurous naman ang peg niya rito.

Of all the ladies, si Rhian Ramos as Zoe ang pinaka-fun at flirty ang character. Isang swimwear designer na in-demand influencer, siya rito ang liberated at madalas pagtripan ng two other ladies. Nakakaaliw ang eksena niya sa ospital where she tried to seduce the already bed-ridden Liam at tiyempo naman na may rounds ang mga hospital staff including Jason Abalos (who plays the role of Lovi’s older brother and eventually yata ay maiinlab kay Rhian).

ADVERTISING
 

Taping moved so its wakeboard day! Yahoo ♡ ? ? ?‍♀️ @beachkiniph

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos) on

Ang maganda rin kay Zoe rito ay talagang kinarir ang pagiging swimwear designer dahil siya mismo ang nagmomodelo nito. Maraming makukuhang ideas ang mga beach bums sa mga sinusuot ni Rhian sa palabas. No wonder sunod-sunod din ang pagpost ng sexy but classy photos ng dalaga sa kanyang Instagram.

So far, so good ay promising ang The One That Got Away. Sana ay masustain nila ito!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING