From singing at King of Facebook Wheel of Fortune, Tyrone Oneza aarte na rin sa pelikula

From singing at King of Facebook Wheel of Fortune, Tyrone Oneza aarte na rin sa pelikula

Tyrone Oneza
Tyrone Oneza

Handang-handa na sa pag-uwi sa Pilipinas ang tinaguriang “King of Facebook Wheel of Fortune” na si Tyrone Oneza.
“Excited na akong makauwi sa Pilipinas para magawa ko ‘yung nga gusto kong gawin diyan. Like ‘yung pagpo-promote ng bago kong album,” sabi Tyrone Oneza.
Ang pag-uwi raw sa bansa ni Tyrone ay part ng promotion ng kanyang self-titled album at ang plano nitong magkaroon ng concert kasama ang kanyang paborito ngayong female singer na si Angeline Quinto.
“Gusto ko si Angeline (Quinto), kasi sobrang ganda ng boses niya. Isa sa dream ko ang maka-duet siya at makasama sa isang concert,” pagwi-wish pa ni Tyrone.
Bukod sa balak nitong concert at pagkakaroon ng sariling recording company, tuluy -tuloy na rin ang pagpo-produce nito ng indie film, kung saan plano nitong kunin at makasama ang mahusay na aktres
na si Superstar Nora Aunor.
Dito nga raw sa Pilipinas ipagpapatuloy ni Tyrone ang “Facebook Wheel of Fortune” para makapagbigay ng saya at tulong sa kanyang mga kaibigan at loyal supporters.

John’s Point
by John Fontanilla