From ‘Legacy’ to ‘The Other Wife’: Rhen Escaño, makikipagtalbugan kay Lovi Poe!

KUNG napanood niyo noong 2012 ang primetime teleserye ng GMA Network na ‘Legacy’ na pinagbidahan noon nina Lovi Poe, Heart Evangelista at Alessandra de Rossi, malamang ay maaalala ninyo ang karakter na ginampanan noon ni Rhen Escaño.

Teenager pa noon si Rhen nang mapasali siya sa ‘Legacy’. Siya ang gumanap sa papel na Bebang, ang tunay na kapatid ni Natasha (Lovi Poe) na nakatira sa squatters area.

From ‘Legacy’ to ‘The Other Wife’: Rhen Escaño, makikipagtalbugan kay Lovi Poe!
Lovi Poe and Rhen Escano

Kung nine years ago ay long lost sisters ang mga karakter na kanilang ginampanan, this time ay magkaribal na ang dalawa sa ‘The Other Wife’ na ipapalabas sa Vivamax ngayong darating na July 16.

Sa ‘The Other Wife’ ay reunited si Lovi Poe sa kanyang ‘The Annulment’ leading man na si Joem Bascon. This time, si Rhen Escaño ang mistress, pero may twist – hindi siya pangkaraniwang kabit!

Matagal nang artista si Rhen. Kasama siya sa Tween Hearts ng GMA noon kasabay nina Barbie Forteza hanggang sa lumabas na rin ito sa mga programa ng Viva na pinoprodyus nila sa TV5.

From ‘Legacy’ to ‘The Other Wife’: Rhen Escaño, makikipagtalbugan kay Lovi Poe!
Joem Bascon, Lovi Poe and Rhen Escano

Napansin ng mainstream audience si Rhen Escano nang magbida ito sa sexy-drama film na ‘Adan’, kung saan mapangahas ang kanyang lesbian scenes with beauty queen Cindy Miranda. Maliban sa matindi nilang laplapan, nagpakita rin ng katawan ang dalawa. Nasundan pa ito ng kanyang short but memorable role sa UnTrue na pinagbidahan naman nina Cristine Reyes at Xian Lim.

 

Napanood din si Rhen sa FPJ’s Ang Probinsyano. Nilisan nito ang programa dahil na rin sa mga pending projects niya sa Viva katulad nga nitong ‘The Other Wife’. Marami pang proyekto ang nakalinyang gagawin ni Rhen hindi lang dahil sa siya ay matapang pagdating sa hubaran, kundi dahil sa kanyang galing sap ag-arte na sa wakas ay napapansin na rin.

Mapapanood na ang ‘The Other Wife’ this coming July 16 sa Vivamax!