FROM CRUSH TO LEADING MAN: Sue Ramirez, aminadong ultimate crush niya si Zanjoe Marudo

NALALAPIT NA ang pag-arangkada ng lock-in taping ng The Broken Marriage Vow, ang Philippine remake ng sikat na infidelity franchise drama na ‘Doctor Foster’ ng BBC UK na mas sumikat sa mga Pinoy dahil sa South Korean adaptation na ‘World of the Married’ na nagpa-high blood sa maraming KDrama addicts.

Bago pa man tayo maloka sa mga eksenang pagtataksil sa upcoming Pinoy version ay kilig portion muna tayo!

FROM CRUSH TO LEADING MAN: Sue Ramirez, aminadong ultimate crush niya si Zanjoe Marudo
Sue Ramirez with Zanjoe Marudo

Si Jodi Sta. Maria ang napiling gumanap bilang Dr. Jill Ilustre a.k.a. the legal wife. Si Zanjoe Marudo ang gaganap na David Ilustre, ang mahinang lalaki na magtataksil at si Sue Ramirez si Lexy Lucero, ang mas batang babae na mang-aakit sa lalaking may asawa na.

Sa Inside News ng Star Magic ay napaluha si Sue Ramirez nang marinig ang feedback ng mga big bosses ng Dos na idinetalye ang rason kung bakit sa kanya napunta ang highly-coveted role.

“Ngayon ko lang narinig ito. Hindi ako makapaniwala,” mangiyak-ngiyak na sambit ni Sue.

“Noong sinabi nila ‘yon sa akin, umiyak na rin ako. Hindi ako makapaniwala. ‘Yung tuhod ko parang hindi na gumagalaw. ‘Yung breathing ko, ‘di ko na alam kung paano. Tanong niyo lahat ng taong kasama ko sa set, hindi ako makausap ng tama, umiiyak ako. I think above anything it was gratefulness that took over me, that dawned on me na shucks nandito ako sa trabaho ngayon, tapos sinasabi nila na may trabaho na naman akong gagawin. Ang dami-dami namang taong nagtitiwala sa akin,”

Tinanong din si Sue kung ano ang feeling na ngayon ay leading lady na siya ng kanyang ‘super crush’ na si Zanjoe Marudo.

“Korek. Sabi ko sa iyo kapag kinol (call) out mo sa universe, ano ang sabi ko? Ang sabi ko magkakatrabaho kami niyan in the future, magkakatrabaho kami. Ito na!”

Unang nagkasama sina Zanjoe at Sue sa teleseryeng ‘Annaliza’ noong 2013. Kung tama ang aming pagkaalala, mag-kuya ang dynamics ng karakter nila sa serye. O, ngayon level up na to magdyowa!

Hindi rin naitago ni Sue ang kanyang excitement sa proyekto dahil gusto niya ang mga makakasama niya sa ‘The Broken Marriage Vow’.

“Ang dami ko pa pong gustong gawin pero I am so, so grateful for this project. I am excited to work with everyone na nasa cast kasi ang gaganda ng mga kasama ko!” pagtatapos ni Sue.