FRIENDSHIP OVER! Derek Ramsay tinapos ang 7 taong pakikipagkaibigan kay John Estrada

Leo Bukas

DIRETSAHANG ipinahayag ni Derek Ramsay na hindi na niya kaibigan si John Estrada. Tinapos na raw niya ang halos pitong taon nilang pagkakaibigan ng aktor.

Humantong sa ganitong desisyon si Derek dahil involved na ang kanyang fiancee na si Ellen Adarna. Si Ellen ang kapareha ni John sa TV sitcom na John en Ellen.

FRIENDSHIP OVER! Derek Ramsay tinapos ang 7 taong pakikipagkaibigan kay John Estrada

Kamakailan lang ay napabalitang nag-walkout si Ellen sa taping ng naturang sitcom at naakusahan ng pagiging unprofessional. Inireklamo si Ellen ng staff ng program at ng ibang co-stars nito sa show.

Pagkatapos ng nangyari ay kaagad namang nagpataw ng meeting si John na bukod sa pagiging co-star ni Ellen ay line producer din ng programa.

Ani Derek, “Hindi ko siya kaaway. Hindi ko siya kaibigan. He’s no longer a friend of mine,” pahayag ni Derek sa interbyu ni Ogie Diaz na in-upload nito sa Youtube noong August 9.

Dagdag pa ni Derek, ayaw na rin niyang ma-associate sa dating kaibigan.

“I just don’t want to associate myself with John. Magsisinungaling ako kung…  walang kinalaman yung nangyari kay Ellen. Pero yon yung icing on the cake. Yun ang nag-push sa akin na enough is enough,” lahad pa ng hunk actor.

Ayon pa kay Derek, ipinaramdam niya kay John na galit siya dito at kung ano ang pinanggagalingan ng kanyang galit.

“Naramdaman niya yung galit ko. I think na-understand naman ni John kung saan ako nanggaling,” sabi ni Derek.

“Maraming nangyari kay Ellen sa show na iyan. But, ibibigay ko kay John, he was apologetic sa mga bagay na nangyari. Pero there were certain things na di ko na puwede tanggapin,” dugtong niya.

“For me, you go on with your life, I’ll go on with my life,” deklara pa ni Derek.

FRIENDSHIP OVER! Derek Ramsay tinapos ang 7 taong pakikipagkaibigan kay John Estrada
Derek Ramsay, Ellen Adarna and John Estrada

Nagtapos man ang kanilang pitong taong pagkakaibigan ay hangad pa rin ni Derek ang kabutihan para kay John.

“I wish you well, Bro,” sabi pa niya sa aktor.

Matatandaang si John ang isa sa naging daan para magkakilala sina Derek at Ellen nitong simula ng taong 2021. Kaagad na nagkaroon sparks ang pagkikita nina Ellen at Derek hanggang naging magkasintahan ang dalawa.

Shortly after their being in a relationship ay nag-announce ang dalawa na they are engaged.

Previous articleSharon Cuneta naniniwalang marami pa rin ang sabik mapanood ang Sharon-Gabby reunion movie
Next articleVLOG WATCH: Zumba Time with Vilma Santos at Luis Manzano (laughtrip!)