Friendship ng dalawang aktres, nasira dahil sa pambubuking

ADVERTISING

BLIND ITEM: Balak ng produksiyon ng isang pang-araw-araw na programa na i-guest ang isang TV host-actress na close friend ng isa sa mga ito.

Their sisterly friendship began when they did a soap together, kasama ang isa pang aktres who now belongs to their circle of friends.

Lately, napingasan ang pagkakaibigan ng dalawang aktres nang ibuking on air ng isa ang tungkol sa relasyong namamagitan na sa kanyang friend at ng isang aktor na mula sa angkan ng mga artista.

The revelation did not sit well with the other actress, kaya ganu’n na lang ang kanyang sama ng loob. Recently, when the production was lining up its guests, one staff suggested na gawing panauhin ang aktres na kaibigan ng host.

Sagot ng host who harbors ill feelings towards her friend, “Okey lang namang i-guest n’yo siya, hindi nga lang ako sisipot sa taping.”

ADVERTISING

Da who sila? Itago na lang natin sila sa mga alyas na Rosalinni Alejandra at Everett Horticulturista.

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING