Fresh episodes ng ‘Magkaagaw’, ‘Love of my Life’ at ‘Waray vs. Biday’ mapapanood na sa GMA-7

MGA KAPUSO, miss niyo na ba ang mga top-rating teleseryes ng GMA-7 tulad ng ‘Magkaagaw’, ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’ at ‘Love of my Life’? Huwag nang malungkot dahil nagbabalik na ang mga nabanggit na programa with fresh episodes simula ngayong Lunes!

Fresh episodes ng 'Magkaagaw', 'Love of my Life' at 'Waray vs. Biday' mapapanood na sa GMA-7
GMA-7’s Magkaagaw, Anak ni Waray vs. Anak ni Biday and Love of My Life

Marami ang nabitin sa nakakalokang panghapon na teleserye ng Kapuso Network na ‘Magkaagaw’. Trending ito noon dahil sa maiiinit na eksena ni Jeric Gonzales kina Klea Pineda at lalong-lalo na kay Sheryl Cruz. Laplapan kung laplapan lang naman ang labanan! Hindi nagpapatalo ang mas may experience sa mas bata! S’yempre, hindi rin matatawaran ang acting prowess ng nag-iisang Sunshine Dizon na hanggang ngayon ay fresh pa rin sa tao ang pinagdaanan ng kanyang karakter bilang Emma sa Ika-6 na Utos, na ngayo’y pinapalabas pa rin ang re-runs.

Pagdating naman sa primetime ay malalaman na rin natin kung ano ang mangyayari sa friendship nina Barbie Forteza at Kate Valdez sa ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’. Pagkatapos masira ang pagkakaibigan dahil sa isang lalaki at ang past friendship turned worst enemies nilang mga mumshies (Snooky Serna and Dina Bonnevie), ngayon ay malalaman pa nila na sila pala ay magkapatid! My, oh, my! What will happen to the two fighting sisters?!

And last but not the least ay ang family-drama primetime series na ‘Love of my Life’. Ngayon nawala na ang karakter ni Tom Rodriguez (pumanaw dahil sa cancer), ano na ang mangyayari kina Adelle, Kelly at Nikolai? May pasiklaban bang magaganap sa trio na ito? Babaha ba muli ng luha, o matatabunan na ba ito ng kilig?

The questions will be answered starting this Monday sa GMA Network. Kaya mga Kapuso, tutok na!